Eniki's pov"Mama.. nag-away ba kayo ni Papa?" Napatingin ako kay Shinzhel sa tanong niya bigla.
Isang linggo na rin simula nung nangyari yung kay Liadette at simula nung araw na yun ay iniiwasan ko si Ranz.
Nagkukulong ako sa kwarto kapag alam kung andyan siya kapag nasa kwarto siya ay nagmamadali naman akong umalis. Nasa baba na ako natutulog at sa paggising ko nasa kwarto na ako.
Maaga akong gigising para maunahan ko siya sa school.
Hindi na rin ako tumatambay sa Royale Garden. Nakatambay na lang ako sa likod ng building namin. Wala kasing tao doon.
Paminsan-minsan pumupunta rin ako sa bahay ni Liadette hindi na kasi siya pumasok simula ng mangyari yun. Hindi pa raw niya kayang harapin si Pritz.
"Mama?" Napatingin ako kay Shinzhel.
"Hindi ah.. Busy lang talaga si Mama baby.." pagdadahilan ko.
"That's not what i see"sabi niya at nagkibit balikat.
Napatingin na lang ako sa ballpen na hawak ko.
Sa totoo lang namimiss ko na ang bakulaw na yun pero kapag hindi ko pa ilalayo ang loob ko mas lalo lang akong mahuhulog. Mas lalo lang lalim ang nararamdaman ko at alam ko namang masasaktan lang ako.
"Mama im hungry" tumango ako at inakay siya papuntang kusina.
"Ano gusto mo baby?" Tanong ko.
"Anything"simpleng sagot niya.
"Gusto mo ng banana cake?" Tumango naman siya kaya nagsimula na akong gumawa.
Nakatalikod lang ako kay Shinzhel habang ginagawa ko ang banana cake.
"Gusto mo rin ba ng gatas baby?"tanong ko habang nilalagay sa oven ang gawa ko.
"Yeah"simpleng sagot niya. Kumuha naman ako ng gatas at nagtimpla. Sakto namang pinapalamig ko ang gatas ng tumunog ang oven kaya kinuha ko na yung ginawa ko.
"Ito na-" napatigil ako ng makita si Ranz na nakaharap sa akin at mataman akong pinagmamasdan.
Wala na si Shinzhel sa inuupuan niya kanina. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya napakaga't labi ako.
"Stop that"sabi niya at nag cross arms.
"A-alin?" Sabay iwas ko ng tingin."Stop biting your lips" sabi niya.
Hindi ako nagsalita at hinubad ang apron na sout ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya.
"Hindi"simpleng sagot ko.
"Then look at me" napapikit ako ng mariin.Please Ranz huwag mo akong pahirapan!
"I said look at me" sabi niya ulit.
Pinakalma ko ang sarili ko at nilingon siya."Ayan nakatingin na ako.."
"May problema ba tayo?"tanong niya..Anong tayo? Wala naman talagang tayo!!!
"Wala naman bakit mo naman natanong yan" pag maang-maangan ko pa.
Lumabas naman ako sa kusina pero agad niya akong nasundan at hinawakan ang kamay ko at hinila ako.
Napalunok na lang ako ng ilang sentimetro na lang ay magdidikit na ang mga labi namin.
Wala na akong ibang naririnig kundi malakas na tibok na puso ko. Gusto ko siyang itulak at tumakbo palayo pero para akong minamagnet ng mga mata niya.
Parang sinasabi nito na "Stay"
pero bakit Ranz?Umaatras ako pero hinila niya ulit ako kaya mas naging malapit ang mga mukha namin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!