Eniki's pov
"Masaya ka ba?"tanong ko kay Ranz habang nakaupo kaming dalawa sa buhangin habang nakaharap sa dagat.
Gabing gabi na pero di ako nakakaramdam ng antok samantalang nung nasa mansion pa ako alas sais palang tulog nako dahil sa mugto ng mata ko.
"Masayang masaya"sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit pero isipin ko lang na masaya siya ganun na din ako.
Pero kapag naiisip kong pansamantala lang lahat ng 'to. Gusto kong umiyak ng umiyak pero ayokong umiyak habang nasa harap ko silang lahat kasi ayokong masaktan sila.
"Paano kung mawala ako Ranz hahanapin mo ba ako?"tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin na para bang nagtataka siya. Alam kong alam niya na ang tumatakbo sa isip ko kahit hindi ko pa sabihin.
"Hindi" sabi niya at tumingin sa dagat.
Mabuti nalang na yun ang sagot niya atleast makakampante ako kung sakaling kunin ulit ako ni Lolo.
"Hindi ako papayag na mawala ka pa ulit"napatingin ako sa kanya dahil dun.
Pero paano?? Paano namin lalabanan ang katulad ni Lolo?
"May balak ka bang iwan ako ulit?"ngumiti ako at umiling.
"Hindi" sabi ko at tumingin sa dagat.
"Mama! Papa!"sabay naman kaming napalingon ng dumating si Shinzhel agad akong tumayo at yinakap si Shinzhel.
"Baby shinshin!"yumakap naman siya pabalik sa akin.
"I thought i will never gonna see you again!"sabi ni Baby shin.
Kinarga naman siya ni Ranz at pumasok na kami sa loob ng bahay.
Napatingin naman sa akin sina Mama at ang mga kuya ko.
"Anak.. Sino yang bata?"tanong ni Mama habang nakatingin kay Shinzhel na karga karga ni Ranz.
"Si Shinzhel po anak namin ni Ranz"ngumiti naman si Mama at binalik ang tingin kay Baby Shin.
Lumapit ako kay Ranz at hinawakan ko ang braso niya.
"Ipakilala natin si Shin kay Mama,Ranz"sabi ko.
Tumingin si Ranz sa akin pero yung tingin niya para bang may nililihim siya. May gusto siyang sabihin.
"Ranz"tawag ko sa kanya.
Ibinaba niya naman si Shinzhel at hinawakan niya ang braso ko.
"May dapat kang malaman"sabi niya.
Napalunok ako sa tono niya.
Ano ang dapat kong malaman?
Na anak niya talaga si Shinzhel?!0.0
O baka naman hindi niya ako mahal tas babalikan niya ang tunay na mama ni Shinzhel?!
"W-why are you crying?"napatingin ako sa kanya at agad kong pinunasan ang mukha ko.
"Maiintindihan ko Ranz kong ano pa man yang sasabihin mo-"
"What are you talking about?"takang tanong niya at hinawakan amg magkabilang balikat ko.
"Di ba may dapat akong malaman? Ano yun? Na anak mo si Shinzhel-"napatigil naman ako ng tumawa siya at yinakap ako.
"Damn it.. Why I am so inlove with you?"tanong niya.
"Aba malay ko sayo"sabi ko din at pinunasan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!