Eniki's pov
"Ang ganda mo ngayon kambal"sabi ni kuya Shin Cross ng nakangiti.
"Bolero"sabi ko nalang at ngumiti.
Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagsayaw sa akin.
"Tito Bansot my turn"
Napatawa nalang ako at si kuya ay napabusangot ng dumating si Shinzhel na naka white suit din at may hawak din na bulaklak. Yumuko ako para magpantay kaming dalawa.
"You are so pretty today Mama"namumulang sabi niya.
Natawa naman ako at kinurot ng mahina ang pisngi niya.
"Ang gwapo mo naman ngayon baby"sabi ko din kaya napatingin siya sa baba.
"Papa is so lucky to have you Mama. Someday I will marry a girl like you too" napangiti nalang ako at tumigil sa pagsayaw at yinakap siya.
"Ako na daw apo" umangat ang tingin namin ni Shinzhel at nakangiting si Lolo Shin ang nakita namin.
Binitawan ako ni Shinzhel at agad siyang bumaba sa stage. Inabot naman sa akin ni Lolo ang white rose at hinawakan ang kamay ko.
"Ang ganda mo Apo"sabi ni Lolo. Ngumiti nalang ako.
"Salamat"sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Salamat sa isang pagkakataon para ayusin ang lahat Apo"sabi niya dahilan para yakapin ko siya.
"Lahat ng tao nakakagawa ng mali Lolo. Napatawad ka na namin at bawing bawi ka na sa lahat ng nagawa mo"sabi ko kaya tumango si Lolo at naramadaman ko ang basa sa may balikat ko.
" Nangangako ako Apo hinding hindi ko na uulitin lahat ng pagkakamali ko sa inyo" ngumiti ako at tumango sa kanya.
Sumunod kay Lolo ay ang nag-iisang kapatid ni Mama na lumaki sa ibang bansa at hindi ko aakalain na yung gwapong teacher namin noon ay Tito ko pala.
"Tito Silver!"sabi ko ng ngumiti siya at agad akong sinayaw.
Sinong mag-aakala na ang teacher na heart throb na ito ay Tito ko pala. Kaya pala matagal ng teacher si Tito ay accelerated siya nung nag-aaral pa siya.
Nung natapos siya ay sumunod naman sa kanya si Dethan.
Walang imik lang si Deth habang sinasayaw ako at panay ang sulyap niya kay Nady na nakatayo sa tabi ni Nana. Ang alam ko nagkakamabutihan na ang dalawang to kaya masaya ako para sa kanila.
Pagkatapos ni Deth ay sumond naman si Jevz.
"Naks hinabol mo talaga ang magnanakaw ah. Pinabilib mo na naman ako Mrs.Lee"sabi ni Jevz habang sinasayaw niya ako.
Napangiti nalang ako ng maalala ko ang ginawa kong kabaliwan kanina.
Nakakahiya!
Pagkatapos akong isayaw ni Jevz sumunod naman agad yung ibang taga Royale Class na sila Nathan at Pritz. Pagkatapos nila ay isinayaw din ako ni Tito Kie.
"Thank you Eniki"sabi ni Tito habang sinasayaw ako.
"Thank you for coming into our lives. You make my family happy and make my son change. Pinasaya mo ang asawa ko ng dumating ka sa buhay namin para na din akong nagkaroon ng babaeng anak and I am so happy to be your father-in-law"sabi ni tito kaya niyakap ko nalang siya.
"Dad my turn"napalingon kami at nakita namin si Kz na nakakunot ang noo.
Binigay ako ni tito sa kanya at agad niya naman akong isinayaw.
Kapag tinitingnan ko si Kz nakikita ko ang mukha ni Ranz yung masungit na bakulaw. Si Ranz na minahal ko kahit na hindi pwede.
"Stop staring"sabi ni Kz at sinamaan ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!