Eniki's pov
"I'm sorry... it's just I'm worried because I-lhdbdbdeevdveebafssgs"
Napanganga nalang ako dahil hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Ano..."sabi ko nalang at lumapit sa kanya.
"Sorry din.. kasi hindi ako nakapagpaalam.. biglaan kasi atsaka.. namiss ko kasi yung bahay namin.. kaya-"
0///0
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila at yinakap ng mahigpit na mahigpit. Na sa sobrang higpot rinig na rinig ko ang paghinga at tibok ng puso niya. Ang sarap sa tenga at ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko habang hawak niya ako ng ganito ay ako na ang pinaka-safe na tao sa mundo.
"Tama na... Im sorry din nasigawan kita kanina.. masyado lang akong nadala sa-"naputol ang dapat sasabihin niya ng bumukas ang pinto at may babaeng nakatayo doon.
Maganda siya. Mestisa at halatang mayaman nakalugay ang mataas niyang buhok at yung mata niya nakatingin sa aming dalawa ni Ranz.
Tinulak ko bahagya si Ranz kaya napakawalan niya ako. Napaatras ako dahil siya yung girlfriend ni Ranz.
Siya yung humalik sa kanya.
"Who is she?"tanong nung babae.
Napalunok ako pero hinawakan ni Ranz ang kamay ko na agad ko namang binawi. Hindi niya pwedeng makita ang mga ginagawa ni Ranz.
"P.A niya ko" direktang sagot ko at tumingin ako kay Ranz kumunot ang kilay niya. Nagalit ba siya sa sinabi ko? Hindi naman kailangan malamn ng Girlfriend niya ang relasyon namin.
"Naku pasensya na po na niyakap ako ni Sir kasi malungkot po kasi ako alam niyo naman si Sir masyado yang mabait"sabi ko at tumawa.
Yumuko naman si Ranz tapos yung babae ngumiti ng matamis na matamis.
"Alam kong mabait siya.. that's the reason why I'm so inlove with him"sabi niya.
aray!
Napahigpit ang kuyom ko sa kamay ko at pilit ngumiti.
Ngiti lang Eniki, Ngumiti ka lang.
"Sige po at pupuntahan ko muna si Shinzhel"sabi ko at lumabas sa kwarto.
Pagkasara ko ng pinto hindi ko napigilan yung luha ko kaya agad ko yung pinunasan at huminga ako ng malalim. Nagmadali akong tumakbo papasok sa loob ng kwarto ni Shinzhel
"Mama.."tawag ni Shinzhel na kanina pa pala nakatayo sa harap ko di ko man lang napansin.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit para hindi jiya makita ang mga luhang pilit kumakawala sa mata ko. Nasasaktan ako ng sobra. Paano ba? Paano ba mawawala ang lahat ng sakit na 'to?
"A-ahm.. saan ka nak?"tanong ko. Nung pakawalan ko kasi siya ay tumingin muna siya sa akin bago binuksan ang pinto.
"I wanna eat pancake... like papa used to cook!"sabi niya at hinila agad ako.
Pagdating namin sa kusina ay umupo siya sa may harap ng kitchen counter at ngumiti.
"Do it! Do it!"sigaw niya napatawa nalang ako at nagsimula ng maghanda.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ng pumasok si Carlz kaya nginitian ko siya.
"Are you ok?"tanong niya.
"Ok lang naman ako hehe"sagot ko at nilagay sa harap ni Shinzhel yung pancake.
Umupo naman si Carlz sa tabi ni Shinzhel kaya binigyan ko din siya ng pancake.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!