Someone's pov
"Mommy!"sigaw ng isang babae at agad na lumapit sa may edad ng babae na nasa loob ng rehas.
Ngayon na ang hearing nang kaso niya.
"Tanga ka ba? Bakit ka pumunta dito?! Paano kung maabutan ka nila?! Di ka nag-iisip!"sigaw ng mas nakatatandang babae.
"Ilalabas ka namin ni Dad dito"sabi nung babae.
"Hihintayin ko yan at magbabayad sila sa ginawa nila sa akin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng mga Seliva at Lee ang ginawa nila sa akin! Magdudusa sila!"sigaw ng Ina.
"For now kailangan kong planuhin ang lahat Mom. Kailangan kong makuha si Ranzhel!"sigaw ng babae at tumayo na.
"Gawin mo lahat anak"ngumiti ang anak na parang demonyo bago umalis.
"stop this"napatigil ang babae at hindi nilingon ang nagsalita.
"I'm not letting those people happy while I am so miserable with this f**king life!"sigaw niya at tinalikuran ang lalaki ngunit hinawakan nito ang braso niya.
"No, Please tama na. Itigil niyo na'to" winaksi niya ang kamay nito.
"Madami na akong isinakripisyo para sa paghihiganting ito! Kaya hintayin nila. Hintayin nilang bumalik ako" sabi niya at direktang naglakad palayo.
Eniki's pov
"Si nanay" sabi ko kay Ranz nung naabutan ko siyang nakatingin sa litrato ni Nanay.
"Ang ganda niya" sabi niya kaya napangiti ako.
"Nagmana ako di ba haha. Tara kain na tayo" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Giniya ko siya sa may kusina at pinaupo sa kawayan na upuan.
"Mangha mangha ka sa bahay namin mister" sabi ko at tumawa.
Panay kasi ang lingom niya at halos suyurin ng tingin ang bahay.
"Iniisip ko kasi kung paano ka lumaki sa bahay nato" napangiti ako at nilagyan ng pagkain ang plato niya.
"Dito" turo ko sa upuan na nasa tabi ko.
"Dito umuupo si Nanay kapag kumakain kami habang diyan naman sa kinauupuan mo ako kumakain. Palakwento si Nanay kasi kinukulit ko siya lagi na magkwento. Wala kasi kaming t.v o kahit radyo man lang" sabi ko at nagsimulang kumain nakatingin lang si Ranz sa akin.
"Kahit na papag lang tong bahay namin andami kong masayang ala-ala dito. Diyan sa may bintana diyan umuupo si Nanay habang kami naman ni Balot eh nasa labas at sumasayaw.
Tawang-tawa si Nanay sa amin pagkatapos ay maghahain siya ng kamote yun na yung snacks namin"napasinghot naman ako at ng tingnan ko si Ranz nakatingin siya sa akin kaya napayuko ako at di ko napigilan ang paglabas mg luha ko.Miss na miss ko na si Nanay
Naramdaman ko ang paglapit ni Ranz at pagyakap niya sa akin habang nakayuko ako.
"Shsss.. Tama na" bulong niya kaya tumango ako.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami sa bahay at umupo sa labas sa may ilalim ng punong mangga.
"Ang sarap ng hangin di ba?" Tanong ko kay Ranz tumango naman siya at idinantay ang ulo sa balikat ko.
Hinayaan ko lang siya hanggang sa maramdaman ko ang bigat niya. Nakatulog na ata siya kaya naman tinapik tapik ko ang pisngi niya.
Napatingin ako sa kabubuan ng bahay at napangiti. Ang daming ala-ala namin ni Nanay. Saksi ang bahay na yan sa tawanan namin at kasiyahan. Hindi nagkulang sa akin si Nanay dahil kahit kailan nung magkasama kami di ko naramdaman na hindi niya naman ako tunay na anak.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!