7

3.8K 112 1
                                    

Eniki's pov

"Night"
"Night"
"Night"

Pwede ba utak! Magpatulog ka?! Kanina ka pa paulit-ulit ah! Bwesit alas tree na Kaya ng madaling araw! Bwesit na night yan!

As if naman totoo yun?! Nagjojoke lang yun!

Parang awa mo na aking utak magpatulog ka huh!

Umidlip ako at pilit na pinapapasok sa dreamland ang isip ko.. Kaso wala pa rin!

*tok*tok*

7:00 AM na pero Hindi pa rin ako nakatulog.

Haay ano bang nangyayari sa akin.

"Miss Eniki.. Kakain na po"

"Susunod po ako ate!"naligo na muna ako at pagkatapos ko mag-ayos tsaka ako bumaba.

Pababa na sana ako nung makasalubong ko ang pinakabwesit na nilalang na nakilala ko -_-

"Ohh parang hindi ka ata nakatulog ah" nagsmirk pa ang gago.

"Hindi nga binangungot kasi ako ng dahil sayo!"

"Talaga? O baka naman dahil sa sinabi ko kagabi?"

-_-

Alam mo pala eh! Nagtanong ka pa!

Ako ba sinasagad ng damuhong ito?! wag ako ah! wala pa akong tulog!

"Bakit ano ba sinabi mo kagabi? Para dun lang? Buti sana Kong I love you yung sinabi mo! Diyan ka na nga!"

Iniwan ko lang siyang nakatayo doon..
Bwesit talaga siya sa buhay ko kahit kailan!

Gusto ko siyang sapakain ng sapakin ng sapakin! Nanggigil ako sa kanya!

"Ang aga naman niyan" nakangiting sabi ni Carlz ng maabotan ko siyang nakaupo sa may sala.

Ngumiti nalang ako kahit mukhang pilit.

"Bakit ang agang nakabusangot yang mukha mo?"

Bwesit kasi kapatid mo!

"Ahhahaha wala lang kulang lang sa tulog" palusot ko.

kulang sa tulog sabihin mo hindi ka talaga natulog!

"Ahh ganun ba" sagot niya nginitian ko nalang siya ulit.

Ang cute ni Carlz para siya yung  K-pop kinababaliwan ng mga babaeng highschool sa E.S.U.

Pagdating namin sa dining area ay nandun na yung iba maliban Kay lolo na nasa taas pa at natutulog.

Tiningnan ko ng masama si Ploranzio na nasa harapan ko nakaupo.

Nabwebwesit talaga ako sa tuwing nakikita siya.

Nung mapansin niya ang masasama kung tingin sa kanya at tumingin siya sa akin ng

"What's your problem" look.

Kaya sinagot ko din siya ng
"Nakakabwesit ka look"

Nagsmirk lang siya kaya kumain nalang ako ng tahimik. Sarap tusukin ng tinidor ng Halimaw na yun!

Pagkatapos naming kumaing lahat ay umuwi na din si Carlz. Pinatawag lang kasi siya ni Tito dahil may ipapasabi sa Mama ni Carlz.

"Eniki at Ranz pakiayos na rin ang mga bulaklak na gagamitin natin sa wedding day niyo" tinanguan ko si tita.

"Eniki ikaw ng pumili ng gusto mong bulaklak okay"

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon