Eniki's pov
"GOOOD!!!MORNINNNNNG!!"
0.0
a
Agad akong napabalikwas ng bangon ng bumukas ang pinto ng kwarto ko."Ma'am Reisha!"
"Wakey! Wakey!! Come on kakain na"
"susunod po ako!"
"Okay!"
Pagkalabas niya ay tumayo na rin ako para mag-ayos.
Sana kinuha ni Kokey ang Ranz na yun at dinala sa Planetang Yekok kung saan siya nababagay.
O di kaya ni Piccolo at dinala sya dun sa Namec ng mawala na ang bwesit sa buhay ko!
Pagkababa ko masayang nagkwekwentuhan sina Ma'am at lolo.
Buti wala pa yung damuhong yun!
Papalapit na sana ako ng."PA!!!!!"
0.0
Bigla nalang natumba si lolo.
Nagpanic ang lahat pati si Ranz at Kz ay patakbong bumaba sa hagdan mula sa kwarto nila.
Para akong napako sa kinatatayuan ko hindi ako makagalaw.
"Tumawag kayo ng ambulansya"sabi ni Ranz habang sinusubukang gisingin si Lolo Russel.
Bumaba ako kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko.
Linapitan ko si tita at Yinakap.. Iyak lang sya ng iyak.
"S-si Papa"
"Magiging ok din ang lahat tita tama na po"
Pagdating ng ambulansya sinakay kaagad si lolo.
Kasama niya naman sa loob si tita tas ako nasa sasakyan ni Ranz ngayon kasama ang magkapatid sobrang tahimik naming lahat pati si Kz kanina pa walang imik.
"Kuya tumawag si Kuya Carlz sakin kanina.. I told him what happen"tumango lang si Ranz.
Haay sana maging ayos lang si lolo.
"Huwag na kayong mag-alala malakas si lolo di ba?" sabi ko.
Pero sa totoo lang nalulungkot ako kasi naalala ko nung si Nanay din nagkasakit walang-wala akong pera sobrang hirap na hirap ako nun.
"Why are you crying?" nagulat ako sa tanong ni Kz.
Umiiyak na pala ako kasi naalala ko na naman si Nanay eh.
"wala nalulungkot lang ako"sabi ko at nag iwas ng tingin.
ALPHA MEDICAL GROUP HOSPITAL
Patakbo kaming pumunta sa ER andun si Tita kasama na niya si Tito Kei at hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.
"Mom anong sabi ng doctor ok lang ba si lolo?" tanong ni Kz habang lumalapit sa mommy niya.
"Under observation pa siya pero I know Papa is strong he should be."
Naghintay kami ng ilang oras bago lumabas ang doctor..
"Good morning Director Lee and Mrs. Lee"
Napatitig lang ako sa kanya.
Ang weird pakiramdam ko kakilala ko sya. Kakaiba kasi ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Ficção AdolescenteIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!