17

3.1K 99 5
                                    


Eniki's pov

"Ok Class dismiss"

Haay salamat naman at tapos na rin ang klase namin.
Napapagod na rin ako sa mga lukaret na kanina pa nambabato ng papel sa likod ko.

Namumuro na ang mga bruhang to sa akin. Nagtitimpi lang ako dahil ayokong mawalan ng scholarship!
Pero sinasagad nila ang pasensya ko!!!

"Siguro iba na naman ang kasama niya mamaya.. Baka sa susunod si Prince Jevz kung hindi naman si Prince Nathan" pagpaparinig nila.

Bahala sila speaking of. Buti nalang at hindi namuna ako hinahanap ng Royale Class bukas pupuntahan ko nalang sila.

"Malay mo baka sunod ang kasama ko syota mo" sabi ko at dinaanan sila. Napanganga naman ang babae at biglang hinila ang buhok ko.

"Ano ba!" Sigaw ko at tinulak siya.
"You!your a slut!"
"Ano tawag mo sa sarili mo kung ganun?!" Sabi ko rin at umalis. Napatingin naman sa akin ang mga taong nadadaanan ko.

Bahala sila sa mga buhay nila!
Nabebwesit na ako.

Maglalakad nalang ako papunta sa trabaho ko malapit lang naman yun dito.

"Hey! Bakit ka nag-iisa?!" Napalingon ako at nakita ko si Carlz sa loob ng sasakyan niya kaya tumigil ako sa paglalakad at siya naman ay bumaba sa kotse niya at sumandal nalang doon.

"Ahhh.. Papasok na kasi ako sa trabaho pwede pa naman raw akong bumalik sa cafe sabi ni bosing"
Kumunot naman ang noo niya.

"Magtratrabaho ka?" Tumango ako.
"Hatid na kita"

Nakakahiya naman kung ihahatid pa niya ako.

"Hoy"

-_-

Si Ploranzio na naman.
Katulad ni Carlz ay nakasandal din siya sa kotse niya at ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa ng jeans na sout niya.

Sa totoo lang ang gwapo naman talaga niya kaso nga lang ang pangit ng ugali niya.

Nakakainis..

San ba ako sasama? Sa taong nasa kanan ko na laging andyan at tinutulungan ako o ang nasa kaliwa ko na laging binubwesit ang araw ko pero pinapakilig naman ako.

Ganda ko ah!

"Ahh ano.. Maglalakad na lang ako! Tama" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Just go with him Eniki masyadong delikado ang daan at nag-iisa ka pa.. Siya pa din ang asawa mo kaya ok lang.. Sige" napatigil ako at nilingon si Carlz sa sinabi niya.

Pagkatapos niyang magsalita ay pumasok na siya at pinaharurot ang kotse paalis kaya heto ako at naiwang nakatulala.

"Ilang taon pa ba ang hihintayin ko para sumakay ka?"

Ang sungit talaga ng Ploranzio na to bakulaw talaga!!!

Sumakay na ako sa kotse niya at pinaandar niya kaagad.

"Diyan na lang ako sa may Park" sabi ko.

"Bakit?" Simpleng tanong niya.
"Magtratrabaho pa ako"

Bigla niyang itinigil ang kotse kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka pa magtratrabaho?" Iritang tanong niya.

"Bakit ka ba nagtatanong malamang para may pera ako!"
"Bibigyan nalang kita ng pera wag ka nalang magtrabaho"
Lalo tuloy akong nainis sa kanya.
"Ayokong tumanggap na kahit piso mula sayo Ranz.. Pinaghihirapan ang pera hindi hinihingi o binibigay magtratrabaho ako"

"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Ang pera ko pera mo rin yun dahil asawa kita"

0//0

Agad akong nag-iwas ng tingin..

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon