15

3.2K 99 1
                                    

Eniki's pov

"Is she ok?"

May naririnig akong boses pero hindi ko pa kayang idilat ang mga mata ko.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko maintindihan.

"Okay lang naman sabi ng doctor dahil lang daw yun sa shock"boses yun ni Carlz.

Pinilit kong ibuka ang mata ko at may naaninag akong dalawang bulto ng tao malapit sa akin.

"Ayos kalang ba?" Gusto ko siyang yakapin nung makita ko ang mukha niya. Mukha ni Ranz.

Pero...

Bigla kong naalala ang lahat.

"Si Lolo?"

Sa tanong ko hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko lalo na nung umiwas sila ng tingin na dalawa.

Ang ibig sabihin lang nun wala na talaga si Lolo. Hindi ko na siya makikita kahit kailan. Hindi na kami magkakausap at magtatawanang dalawa. Wala na ang taong tumulong sa akin at dinala ako sa pamilyang 'to. Wala na ang taong dahilan kaya ko nakilala ang asawa ko.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Ranz sa akin.. Ramdam ko ang biglang paglakas ng tibok ng puso ko.

"Tama na" sabi niya. Napatingin naman ako kay Carlz at nababasa ko sa mata niya ang sobrang kalungkutan at yung sakit. Siguro dahil nalulungkot din siya sa pagkawala ni lolo.Hindi man siya apo ni Lolo ang alam ko malapit din ang loob niya dito.

"Gusto kong makita si lolo" sabi ko at pinunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Tumango naman si Ranz at inakay ako patayo.

Pagdating namin sa chapel ay wala pa masyadong tao. Agad kong hinanap si Tita. Kaso hindi ko siya makita.

"Si tita?" Baling ko kay Ranz na nasa tabi ko lang. Nakatingin lang siya sa akin at inoobserbahan ang kilos ko.

"Nasa bahay kasama si Daddy nag pass-out din siya kanina"sabi ni Ranz.

Nakakalungkot lang wala na si lolo kaya nahihirapan din si tita.
Napahawak ako sa kwintas na bigay ni lolo na ngayon ay sout ko.
Sinong nagsout nito habang tulog ako?

"Ayos na ba pakiramdam mo?"

Tinanguan ko si Ranz sa tanong niya.
Umupo nalang ako sa upuang malapit sa kabaong ni lolo. Hindi ko pa siya kayang tingnan habang nasa loob siya diyan. Baka hindi ko kayanin.

Ilang sandali napansin ko na ang pagdami ng mga tao sa loob at nung tumingin ako sa may pinto sakto ring papasok ang taga Royale Class.

0.0

Bakit sila nandito?!

Kasama rin nila si Jevz at may isa pang babae na maganda. Tas nung makita nila kami ni Ranz ay agad din silang lumapit.

"Eniki? Magkakilala kayo ni Ranz?"tanong ni Liadette.

Naku lagot! Ano namang isasagot ko?!

Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Ranz. Sasagot na sana ako na personal maid ako ni Ranz ng bigla siyang magsalita.

"She's my wife" simple niyang sagot dahilan para mapatulala ako pati ang mga nasa harap namin.

Sinabi niya?! Totoo?!

"Ano?! Kailan?! Saan?! Bakit hindi namin alam?!" Sari-saring reaction ang narinig ko galing sa tatlong babae.

Kaibigan kaya sila ni Ranz?

"Mahabang kwento" simpleng sagot ni Ranz.

"Eniki bakit hindi mo sinabi sa amin?"tanong ni Liadette. Napayuko nalang ako.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon