Carlz pov
Halos paliparin ko na ang kotse paalis sa bahay ni Mama ng tawagan ako ni Butler Min ang assistant ni Ranz.
Flashback
Nakatingin lang ako sa celphone ko na ang wallpaper ay ang babaeng mahal na mahal ko.
Nakangiti siya sa picture na ninakaw ko lang naman ng kuha.
Ilang linggo ko na din siyang hindi nakikita at miss na miss ko na siya.
Nasaan kaya siya ngayon? Ayos lang ba siya? May nangyari bang masama sa kanya?
Naibalik ang isip ko ng magting ang phone ko.
Butler Min calling...
Bakit kaya?
"Hello?"
"Sir Carlz.."
"Ano yun?"takang tanong ko..
"gusto ko lang po ipaalam sa inyo na nasa ospital ngayon si young Master Ranz"halos lumuwa ang mata ko at agad napatayo.Dahilan para mapatingin sa akin si Mama.
"ANO?! ANONG NANGYARI?!"
"Naaksidente po siya"agad kong pinutol ang tawag at kinuha ang susi ng kotse ko.
"Carlz! What's happening?!"naguguluhang tanong ni Mama.
"Nasa ospital si Ranz!"sigaw ko at pinaharurot ang sasakyan.
End of Flashback
Anong nangyari at naging ganito?!
Pagdating ko sa ospital ay sinalubong agad ako ni Butler Min kasama si Kz.
"Ano bang nagyari?!"tanong ko at takbo lakad kaming pumasok sa loob ng ospital.
"Drag Racing daw sabi ni Jevz"sabi ni Kz.
Pagkarating namin sa may emergency room ay nandun na si Dad at Tita. Iyak ng iyak si Tita habang tahimik lang si Dad.
Lumabas naman ang doctor at agad namin siyang hinarap.
"Ranz is ok for now he undergo an operation dahil sa bloodclot na namuo sa utak niya. He's under observation for now. And he might be unconcious for several days. Please excuse me"sabi ng Doctor at umalis na.
Ano bang ginawa mo Ranz?!
Eniki's pov
Wala akong pwedeng gawin kung hindi tumunganga maghapon.
Lalo na ngayon na umalis si Mama at dinalaw ang puntod ng lolo at lola ko. Ni hindi ko man lang sila pwede makita dun.
May kumatok naman sa pinto at bumukas. Pumasok si kuya Jershin at nginitian agad ako.
"Ilang araw ka na daw nagkukulong dito?"tanong niya.
"Bakit ba kasi hindi ako pwedeng lumabas kuya?"irita kong tanong.
"Hindi ko din alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng lolo"sagot niya.
May naisip naman ako kaya agad akong tumingin kay Kuya.
"Pwede ba akong sumama sayo kuya?"nagulat naman siya sa sinabi ko at napakurap kurap.
"Pero..."
"Please?"pagmamakaawa ko pa.
"Sige... pero kailangan natin magpakaninja ok?"sagot niya at ngumiti ng nakakaloko.
Pagdating namin sa ospital lahat ng nakakasalubong naming nurse o doctor ay binabati si Kuya pero ang mga babaeng nurse ay ang sama naman ng tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!