44

2.7K 79 2
                                    

Liadette's pov

"Wala na kami"muntik kong mabitawan ang kutsarang hawak ko sa sinabi ni Pritz.

Mahal ko pa siya? Oo mahal na mahal pero kuntento na akong pagmasdan siya sa malayo.

Sundan siya kapag bigla siyang aalis. Sekretong  alagaan siya kapag lasing.

Mahalin siya ng hindi niya alam.

"Ruby and you?" Tanong naman ni Mhiane.

"Oo"sagot niya at naramdaman ko ang pagtingin niya sakin.

"Why?"tanong naman ni Chaina.

"Dahil-"hindi ko na siya pinatuloy ng tumayo ako at lahat sila napatingin sakin.

"Kukuha lang ako ng juice"sabi ko at umalis na sa table namin.

Napatigil nalang ako ng tumayo sa harap ko so Pritz at..

0.0

Hinalikan ako ng mariin.

"Mahal kita Liadette.. Mahal na mahal kita"

Panaginip ba 'to?

Eniki's pov

Nabigla siya sa sinabi ko maski ako ay nabigla sa sinabi ko. Pero mas madali para sa kanilang kalimutan ako dahil dun sa sinabi ko.

Kabaliktaran man iyun sa tunay na binubulong ng puso ko.

Mahal kita Ranz.. Mahal na mahal kita..

Para ding nakikisabay sa amin ang kantang pinatutugtog.

(Hiling by Mark Capio)

"Eniki-"

"Ayoko na"hindi ko na siya hahayaang magsalita dahil ayokong pakinggan siya.

Ayokong umasa.

Umasang ayos lang ang lahat kahit alam kong hindi na talaga.

Ito ay isang dalangin.. wag sanang ipagkait
Matagpuan lang ang hanap na pangarap..
Pangarap
Kasalanan nga bang umibig..
Parusang lungkot ang hatid

Hinawakan niya ang kamay ko pero pilit ko iyung winawaksi.

"Kalimutan mo na lang ako Ranz.. Kalimutan mo nalang lahat"sabi ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Lamig ng hangin ang yakap..
Tuwing gabi... Tuwing gabi...
Ipilit mang itago di kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng...

"Bakit ka ba lumalayo! Bakit mo ba kailangan gawin to?!"sigaw niya pero hindi ako lumingon at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Ayoko na"sabi ko.

"Huwag na lang natin pahirapan pa ang isa't isa Ranz.."

Sa sinabi ko para akong tinusok ng isang milyong karayom ng sabaysabay sa dibdib ko.

Ang sakit sakit sobra..

Dahil alam kong ayokong mawalay sa piling niya!

Bakit parang sakin lamang may galit..
Ang madayang tadhanang di namamansin..
Wala na bang.. Karapatan na pagbigyan..
Ang hiling..

"Di ko kaya Eniki! Hindi ko kaya!"sigaw niya.

Hindi niya kaya? Ang alin?!

"Tama na!"sigaw ko.

Bigla niya akong hinawakan at pinaharap sa kanya.

"Sagutin mo ako Eniki!"

Tiningnan ko siya.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon