Carlz pov
"Hindi na siya babalik?!"nagulat naman si Mhiane sa pagsigaw ko.
"Look at this"sabi niya at inabot ang isang papel.
Sulat kamay niya ito.
"sorry.. pero ayoko na.. Ayoko na sa buhay na'to"
Yun lang ang nakasulat sa papel.
"Asan na si Ranz?"tanong ko.
"Bar"kibit balikat niyang sagot.
Saan ba siya pupunta?! May nangyari kaya? Kaya siya nagdesisyung umalis? Ano bang nangyari sa kanila ng kapatid ko?
Napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Ranz.
"Where's Eniki?"para lang akong hangin sa paningin niya bumabalik na siya sa dati niyang ugali. Ugaling walang pakialam sa mundo.
"Hindi ko alam"cold niyang sagot at umupo sa pwesto niya at inalabas ang laptop.
Pumasok naman si Trisha na nakangiti at base sa ngiti niya ay may nakikita akong kasamaan doon.
"Ranz"tawag niya pa. Umangat naman ang kilay ni Mhiane ngayon siguro ay galit na din siya kay Trisha dahil sa mga ginawa nito kay Eniki.
"What?"cold na tanong ni Ranz.
"Pwede mo ba akong samahan?"tiningnan siya ni Ranz ng sandali at ibinalik niya agad ang tingin sa laptop niya.
"May gagawin pa ako"sagot niya.
"Eniki left you! Wala na siya ayaw niya na sayo!"sigaw ni Trisha dahilan para tumayo si Ranz at hablutin ang braso niya.
"Ikaw ba ang dahilan kaya siya umalis?"sa pagkakasabi ni Ranz ay kapag nagkamali ng sagot si Trisha patay siya.
"No.. Hindi ka niya mahal kaya siya umalis"sagot ni Trisha.
Wala namang emosyong umalis si Ranz sa harap niya at dumiretso palabas ng Royale Garden.
where are you Eniki?
Eniki's pov
Ako nga siya? Ako ba si Yanna? Hindi pa din ako makapaniwala.
Nakatingin lang silang lahat sakin na para bang hinihintay nilang kompormahin ko ang lahat.
"Ikaw nga si Yanna"sabi ng Mama ni Shin at niyakap ako.
Hindi ako makagalaw ni hindi ko alam ang sasabihin ko.
Sobrang gulong gulo ako sa lahat ng nangyayaring ito.
"I can't believe it.. I always wish that Yanna is alive but now.. I don't know"sabi naman ni Kuya Xam.
Kahit ako.. Hindi ako makapaniwala. Kung tunay nga na ako si Yanna nakilala ko na at nakasama ang mga kapatid ko na hindi ko man lang alam?
"Pero.. Posible din namang hindi ako siya"sagot ko.
"Sino ang kumupkop sa iyo?"tanong nung Mama ni Shin.
"Si nanay.. Violeta Perez" nanlaki ang mata nila sa sinabi ko.
Bakit? Kilala ba nila si Nanay?
"Ilang taon ka na?"tanong nung isa pang lalaki na yung doctor ni Lolo noon.
"19"sagot ko.
"Kailan ang birthday mo?"
"January-"naputol ang dapat sasabihin ko ng magsalita si Shin.
"07"
0.0 Bakit niya alam?!
"Oo"sabi ko nalang. Nabigla naman ako ng yakapin ako ni Shin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!