Eniki's pov
Nagising nalang ako dahil sa kamay na humahaplos sa buhok ko.
"Ranz" titig na titig lang siya sa akin pagkatapos ay ngumiti siya dahilan para lumukso ang puso ko.
"Sasama ka ba sakin?"tumango ako at tumayo para mag-ayos.
Pagdating namin sa chapel ay madami ng tao. Magkasabay kaming maglakad pero hindi kami magkahawak. Nakasunod naman samin si Kz na nakayuko lang.
Napatingin naman ako kay Tita Reisha na nasa balikat ni tito ang ulo niya. Naalala ko tuloy yung kagabi.
Yung nangyari sa amin ni Ranz."You ok?"tanong ni Kz sa akin nung tumigil ako sa paglalakad.
"Oo" sagot ko nalang. Lumapit naman ako kay Tita habang si Ranz ay kausap naman ni Tito."Tita" nilingon niya kami ni Kz at ngumiti siya. Ngiting hindi ko masasabing masaya. Ngiting nasasaktan pero pinipilit magpakatatag.
Yumakap naman kaagad si Kz kay tita.
"Kiera Zake where have you been honey? Nag-alala ako sa iyo"
"Bahay nina kuya Ranz"simpleng sagot ni Kz. Tumango naman si Tita.
"Wala na si Lolo mo" umiiyak na sabi ni tita kaya hinimas ko ang likod niya."Tita may sinabi po sa akin si lolo bago siya nawala." Nilingon naman ako ni tita.
"Hindi siya mawawala dahil andito siya" tinuro ko ang may puso niya.
"Tama ka andito lang siya" tumango ako at ngumiti.Pagkatapos non nakapagdesisyon na akong tingnan si lolo sa huling pagkakataon bago ang libing niya bukas.
Pagkakita ko sa mukha niya ay nag-uunahan na sa pagtulo ang luha ko.
"Lo.. Pakikamusta mo nalang ako kay Nanay dyan ah.. Sabihin mo namimiss ko na siya.." Sabi ko.
Hindi ko na mahahawakan at makikita pa si lolo. Hindi ko na siya makwewentuhan ng kahit ano.
Nakakalungkot na kailangan matapos ang buhay ng isang tao.
Ni hindi ko man lang siya nakasama ng matagal.
Nabigla nalang ako ng may umakbay sa akin.
"Lo.. Nangangako akong tutuparin ko yung ipinangako ko sayo" nabigla ako sa sinabi ni Ranz pero nung lumingon siya sa akin ay ngumiti lang siya.
"Aalagaan ko po si Eniki gaya ng sinabi niyo"
-///-
nakakainis naman ang lalaking to!
"Kahit na wala na kayo magsasama pa rin kaming dalawa"
0////0
Jusko! Kilig overload!!!
Carlz pov
Sobrang sakit ng ulo ko.
Naparami ata ang inom ko ng Vodka.
Agad akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo.
Pupunta pa ako sa libing ni Lolo Russel.
Habang naliligo ako ay bumalik sa isip ko ang lahat ng nakita ko.
Kaya nasuntok ko ang pader.Masakit! Sobrang sakit!
Mas una ko siyang nakilala pero napunta siya sa iba to make it worse sa kapatid ko pa! Hinilamos ko ang mukha ko sa sobrang frustrations.
"Kung hindi lang naman kasi ako duwag!"
Ang sakit makita na ang babaeng minahal mo ng tatlong taon ay makikita mong masaya na sa piling ng iba at wala kang magagawa kundi tingnan lang sila.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!