23

3K 92 1
                                    

Eniki's pov

"You look like a princess waiting for her prince to save her"

0.0

"R-ranz?!"

Nilingon ko siya at nakasandal lang siya sa puno.Habang nakaupo. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan iyon sa anino ng dahon ng mga puno.

Nakita niya kaya ang pag-eemote ko?!

Tumayo naman siya at lumapit sa akin. Hahawakan niya sana ang kamay ko ng biglang may humila nito.

"Uwaaah!!!Eniki!we won! We won!!! Time for celebration"

Magrereact pa sana ako ng hilahin na ako ni Mhiane kaya naiwan lang namin si Ranz doon na nakatayo at parang nakafreeze ang mga kamay sa ere.

Mungtanga..

Hila-hila pa rin ako ni Mhiane. Sobrang saya niya at napapatalon a siya habang naglalakad kamong dalawa.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko..
"Susunduin muna natin si Liadette!"masaya niya pa ring saad.

Pero ako gusto kong balikan si ploRanzio!

Tumahimik na lang ako habang kinukwento naman ni Mhiane ang nangyari sa contest.

Nanalo kami? Pero tumayo lang naman ako dun eh! Ang sabi bigyan ng total transformation ang model mo kaya siguro si Mhiane ang nanalo kasi maganda yung pagmemake-up niya sa akin pati ang damit na ipinasout niya ay sobrang ganda din nagmukha akong prinsesa

"Stay away from him!"sigaw ng isang babae.

Nagkatinginan kami ni Mhiane dahil na kina Chaina o Liadette lang ang sumigaw sa loob ng Royale Garden.Nagmadali naman kaming naglakad ni Mhiane at naabutan namin si.

"Liadette?"sabay naming sabi ni Mhiane.

Sino naman yung babae?

"Bestfriend niya ako! Hindi ko siya lalayuan!"sigaw naman ni Liadette.

"Bestfriend ka lang niya alam mo dapat kung saan ka lulugar! Huwag kang epal!"

"That bitch!"di mapigilang sabi ni Mhiane at susugurin na sana ang babae kaya pinigilan ko muna siya.

"Ikaw girlfriend ka lang niya! Tapos niloloko mo pa siya! "

*pak!*

Napatakip ako sa bibig nung sampalin nung babae si Liadette kaya hindi ko na napigilan pa si Mhiane nung sinugod niya yung babae.

"You bitch! You don't have the right to hurt her!"sigaw ni Mhiane at aakmang kakalbuhin na yung babae pero pinigilan siya ni Liadette.

"Bakit Ruby hindi ba totoo? Sino ba gumagawa lahat ng dapat responsibilidad mo kay Pritz di ba ako?! Sa tuwing nasasaktan siya ng dahil sayo saan ba siya lumalapit di ba sa akin! Kaya bakit ko siya lalayuan kong ikaw lang naman ang dahilan kaya siya nasasaktan!"sabi ni Liadette.

Lumapit naman ako pero hindi muna ako makikialam dahil hindi ko naman alam ang mga nangyayari. Hindi ko kilala ang babaeng 'to pero sa paningin ko ngayon isa na siyang bruha. Hindi ko din ugaling manghimasok sa mga bagay minsan lang paggusto ko.

"Ako ba talaga ang dahilan kaya siya nasasaktan?! Sino ba dahilan kaya siya naging ganyan?! Ako ba?! Sino ba pumatay sa kapatid na mahal na mahal niya ako ba?! Ikaw Liadette! Kaya you have to face the consequence of what you've done!"sigaw nung babae habang nanlilisik yung mata.

Tiningnan ko si Liadette. May mga luha ng pumapatak sa mata niya. May kapatid si Pritz? At patay na siya?

"Oo na!kasalanan ko nga! Inaako ko lahat kahit alam niyang wala akong kasalanan! Pinipilit ko siyang ayusin!Pinipilit ko siyang ibalik sa dati!habang ikaw! Mas lalo mo siyang sinisira! Winawasak mo lahat ng binubuo ko! Mangloloko ka!"

*pak!*

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon