Eniki's pov
"Bakit hindi mo sabihin lahat ng maintindihan kita"sabi ko.
Tinalikuran niya naman ako.
"Hindi sila masasamang tao Lolo. Bakit ba ang laki ng galit mo sa kanila?"tanong ko.
Hinarap niya naman ako.
"Wala kang alam! Wala kang alam sa lahat!"
"Sabihin mo para malaman ko!"sigaw ko din.
"Sila ang dahilan kaya nasira ang buhay ko! Dahil sa kanila namatay ang Nanay ko at naulila ako sa murang edad! Ginawa ko lahat para mabuhay!"
Namatay ang nanay niya? Paano?
"Bakit di mo harapin ang bukas Lolo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa makaraan na hindi na natin pwedeng balikan"
"Wag mo kong diktahan! Dahil wala kang alam sa mga pinagdaanan kung hirap at sakit!"
"Nang dahil din sa nanay mo at sa inyo namatay ang anak ko kasi salot kayo"
"Buksan mo ang puso mo Lolo. Hindi lahat ng iniisip mo ay totoo. Hindi lahat ng mga nangyari noon ay mangyayari lang din ulit ngayon"sabi ko.
Pero nagsimula na siyang maglakad at iniwan akong nakatayo lang.
Hayaan mong pumasok kami sa puso mo lolo.
Someone's pov
"What?!"sigaw ko at halos masira na ang celphone na nasa kamay ko.
Masisira ang plano ko ng dahil sa Yanna na yan!
"Bakit pa siya bumalik?!"sigaw ko at napatingin sa mahal na mahal ko na mahimbing na natutulog.
"Hindi ko hahayaang makasama ka pa nila ulit. Madami na akong nagawa para sa mga plano ko. Kunting panahon na lang makukuha ko na ang matagal ng akin dapat" napangiti ako sa sinabi ko.
"Hello anak"sabi ko ng pumasok ang anak ko.
"Just kill them all ma.. Nakakasawa na manuod sa mga drama mo"sabi niya at umupo sa sofa na nasa harap ko.
"My plans are working while yours is not.. simple lang pinapagawa ko sayo pero umatras ka agad"
"My God Ma! Nakakasawa na kasi"ngumiti nalang ako.
"Soon darling mapapasa-atin din ang lahat ng pag-aari nila lalo na ng Yanna na yun at ng Shin Seliva na yun"ngumiti naman ang anak ko.
"Im on it ma"sabi niya pa.
Malapit na malapit na ang pagbagsak ng Seliva's Empire.
Eniki's pov
Isang linggo na ang nakalipas.
Wala akong balita kong kamusta na sila.
Alam ko gagawa ng paraan si Ranz makuha lang ako.
Alam kong di siya susuko.
Pero ano bang magagawa namin?
Paulit ulit lang bumabalik sa isip ko yung mga sinabi ni Lolo non. Gustong gusto ko malaman ang lahat. Gustong gusto ko malaman kong saan nagsimula ang galit niya.
Lumapit ako kay Nana habang nasa kusina siya.
"Nana"tawag ko lumingon naman siya at ngumiti.
"Ano pong itsura ni Lola. Anong nangyari?"nagulat naman siya sa tanong ko pero agad bumalik sa ginagawa.
"Si Ma'am Elliana, Isa siya sa pinakamagandang babae sa kapanahonan namin. Napakaganda niya na halos lahat ng lalaki ay hinahangaan siya. Sobrang bait pa at mapagkumbaba"sabi ni Nana.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!