51

2.7K 72 1
                                    

Eniki's pov

"Tito Shin!!!"rinig na rinig ko ang tawa ng kakambal ko ng sumigaw si Shinzhel.

Pero wala naman akong magawa kasi nakapulupot ang mga kamay ni Ranz sa bewang ko habang nakasiksik naman ako sa may leeg niya.

"Ranz"tawag ko pero di naman siya umimik.

"Apo tawagin muna Mama at Papa Mo at kakain na tayo. Aalis na yung MommyLa at DaddyLo mo"rinig kong sabi ni Mama.

Hanggang ngayon di ko pa alam kung kaninong bahay ba 'to. Gusto kong tanungin si Ranz kaso nawalan na din kami ng pagkakataong mag-usap pa na dalawa.

"Yes Mamita!"sabi ni Shinzhel at rinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at ang pag-akyat ni Shinzhel sa kama namin.

"Papa!"sigaw ni Shin at ayun binugbog ng halik ang papa niya.

"Mama!"

"Nak gising ako"sabi ko.

"Five minutes baby"bulong ni Ranz.

"Ranz tara na kasi"sabi ko..

Binuka naman ni Ranz ang mata niya at nagpout. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Pangit mo Ranz"sabi ko.. Tumayo naman siya kaya tumayo na din ako.

"Bihis lang muna kami baby bababa din kami"sabi ko.

"Good morning Mama!"

"Morning din baby ko"sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning Papa!"sabi ni Shinzhel at hinalikan sa pisngi ang Papa niya.

Pagkalabas ni Shinzhel ay agad akong hinila ni Ranz palapit sa kanya.

Nakatayo ako sa harap niya at siya namay nakaupo sa gilid ng kama at nakadantay sa tyan ko ang ulo niya.

"Minsan naiisip ko bakit hindi nalang kami naging Lee at ikaw nanatili na lang na si Eniki. Di sana'y malaya tayong magsama  habambuhay yung wala tayong ibang iisipin kundi ang maging masaya lang"sabi niya.

First time kung nadinig na ganito ka vocal si Ranz.

Ang boung akala ko wala siyang inaalala o pinoproblema.

Matalino siya eh. Kaya niya lahat. Kaya niyang gawin lahat ng bagay at nasa kanya na ang lahat pero ang marinig siyang hilingin na sana ay naging ordinaryong tao siya hindi ko inaakalang maririnig ko sa kanya yun.

"Kung hindi ikaw si Ranz Lee hindi kita makikilala. Hindi ako makakatira sa bahay niyo at hindi ako makikilala ni Lolo Russel"sabi ko naman.

Nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti.

"Kaya mahal na mahal kita"sabi niya at tumayo at hinalikan ako sa labi.

"Hali na kayo"sabi ni Mama at nginitian kami ni Ranz.

"So happy to see you both together and so happy"sabi ni Tita Reisha na kinikilig pa.

"You deserved to be happy Ranz"sabi naman ni Tito Kie.

Tumingin naman ako kay Ranz at nakita ko ang pagngiti niya.

Habang kumakain kami ay panay naman sa pagkantyaw si Kuya Shin kay Shinzhel.

"So what happen sa pag-uusap niyo ni Mhiane Shin?" Biglang tanong ni Kuya Jershin.

Natigilan naman si Kuya at nanahimik. May naalala akong pag-uusap sa Royale Class dari tungkol kina Kuya Shin at Mhiane.

"Ohh.. You have something for Tita Mhiane!"ngayon naman si shinzhel ang kumakantyaw kay Kuya.

Ang sabi nina Mhiane babalik sila mamaya para sa bonefire.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon