Eniki's pov
Pagkababa ko sa stage ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Alam na nila kung sino ako.
Nabigla naman ako ng dumating si Ranz at nakatayo sa harap ko.
"Totoo ba?"tanong niya.
"Umalis ka na!"madiin kong sabi.
"Isasama na kita"sabi niya at hinila ako.
"Bitawan mo ako Ranz! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo!"
"Wala akong pakialam kasi mahal kita!"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ang sarap pakinggan.
Pero ang laki ng kapalit ng pagmamahal na yan.
"Hindi tama Ranz"sabi ko at hinila ang kamay ko.
"Mahal kita Eniki"
Tama na Ranz..
Hinatak niya ang isang kamay ko dahilan para mayakap niya ako ng mahigpit.
"Please.. Sabihin mong hindi ito totoo.. Bakit ikaw pa?"napapikit ako sa bulong niya.
hindi ko din alam ang sagot..
"ELLIANA!" nabigla nalang ako ng may humatak sakin palayo kay Ranz.
Umalma si Ranz pero may mga lalaki ding humawak sa kanya.
"Kilala kita! Isa kang Lee!? Anong ginagawa mo dito?!"
"Eniki!"sigaw ni Ranz. Wala akong nagawa kundi tingnan lang si Ranz.
Tingnan lang ang taong mahal na mahal ko.
*pak!*
Nabaling sa kabila ang pisngi ko sa sampal na yun.
"anong ibig sabihin nito Elliana! Bakit mo siya kasama?!"sigaw ni Lolo.
Hindi ako nakapagsalita kaya hinila ni Lolo ang buhok ko.
"Bitawan mo ang asawa ko!"
0.0
"Ranz!"sigaw ko..
BAKIT NIYA SINABI?!
"Anong sinabi mo?"nabitawan ako ni Lolo at tumingin kay Ranz.
"Bitawan mo siya! Huwag mo siyang sasaktan!"sigaw ni Ranz nagsidatingan naman ang Royale Class at lahat sila gulat na gulat sa nangyayari.
"Asawa mo ba ang babaeng ito?"madiing tanong ni Lolo.
Hindi umiimik si Ranz.
"Ano?! Sumagot ka!"
"Lolo! Tama na! tama na!"sigaw ko nabaling ang tingin ni Lolo sa akin.
"Dethan! Ilayo mo sa akin ang babaeng yan dalhin yan sa mansion at ikulong!"
Hinawakan naman ako ni Dethan at iginiya palayo doon.
"Ranz..."bulong ko...
Carlz pov
"Layuan mo siya.. Di kayo para sa isa't-isa! Simula sa araw na'to kalimutan niyong nakilala niyo pa siya dahil ang babaeng yun ay hindi katulad niyo.. Hindi siya bagay sa inyu"sa sinabi niya ay para akong sinuntok ng ilang beses balewala lang ito sa hirap at sakit na nararamdaman ni Eniki pero wala akong magawa.
Wala akong magagawa. I felt so useless. So coward!!
"Anong gusto mong gawin ko ibalik mo lang siya sakin?"nagulat kami sa tanong ni Ranz.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!