Eniki's pov
"Ang saya ni Kuya"sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Ranz.
"Masaya din siguro si Tita ngayon"sabi niya naman.
"Ranz.. Bakit hindi niyo sinabi ng mas maaga? Tsaka ano bang nangyari kina kuya?"tanong ko.
"I was 14 when things happen. My tita is once part of the Royale Class.. And your brother is one of the varsity player turn to be the coach of Knights..."
Nagkakilala sila dahil sa college battle?
"Until nagmahalan sila ng hindi sinasadya.. They never thought that loving each other was the biggest mistake they do.. pati ako hindi ko alam kong bakit ba sila pinaglalayo noon.."
Dahil sa negosyo?
"Lagi silang pinaglalayo dinala si Tita sa California at doon na diagnosed ang sakit niya. She had leukemia... Pwede pa siyang mapagamot but she refused at bumalik dito..."pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Paano kung maging ganun din kami? Paano kung paglayuin din kami hanggang sa mamatay ako.
Di ko kaya..
Nabuhay ako sa mundong 'to na ginagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa akin.
At alam ng puso ko nasa ngayon sa piling ni Ranz. Sa piling ng mga taong mahal ko ito ang nagpapasaya sa akin.
"Sobrang galit na galit si Lolo ng malaman ang ginawang paglayas ni Tita at sumama sa kuya mo sa galit niya pinagbuhatan niya na ng kamay si Tita.. Kaya kinuha ni Dad si Tita at doon muna pinatuloy sa bahay."habang nagkukwento si Ranz para naman akong sinasakal sa bawat sinasabi niya.
Pakiramdam ko mararanasan ko din lahat ng yun.
"Hindi sinabi ni Tita na buntis siya.. Nalaman na lang namin nung bigla siyang nanghina dahil itinigil na niya ang chemo niya at ang pag-inom ng gamot kasi buntis siya at ilang buwan na"natutop ko ang bibig ko.
"Yes, Tita kept Shinzhel for how many months..Hindi na kinaya ng katawan niya at lumala ang sakit niya.. Nag early labor siya.. We insist for a C.S. but she decided to give birth naturally... She's always calling your brother's name that time..."
Ang hirap sobrang hirap nun.
"Nung oras na umiyak si Shinzhel tita smiled.. I was there kasi hindi pumayag si Tita na iwan ko siya.. Ang sabi niya ingatan ko si Shinzhel at huwag ipaalam sa iba ang tunay niyang pagkatao.. Pinapasabi niya din kung gaano niya kamahal si Jershin at si Shinzhel.. Iyak ako ng iyak nun habang hawak ko si Shinzhel.. I promised that day that I will take care of him and love him as my own.."yinakap ko nalang si Ranz at humikbi ako sa bisig niya.
Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako. Kung may magaggawa lang sana ako.
"Tama na nga magang maga na ang mata mo stop crying already"sabi ni Ranz at hinalikan ako sa noo.
"Pinapangako ko Eniki hinding hindi ko hahayaang mangyari sa atin ang lahat ng yun.."sabi niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Lalaban tayo Ranz"sabi ko at yinakap siya ng mahigpit.
Lalaban ako..
Shin Cross's pov
Napa-iling nalang ako ng makita ang kambal ko at si Lee sa tabing dagat.
"Anak"lumingon ako at nakita ko si Mama na nakangiti.
"Ma.. Matulog na po tayo"sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Yes!!!"nagulat naman ako ng may sumigaw sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!