Eniki's pov
Habang pauwi kami nakayakap lang ako sa likod niya at palihim na umiiyak.
Ayokong sumuko, ayokong bumitaw, ayokong sirain ang ipinangako kanina.
Pero ayokong madaming magsakripisyo at madamay.
Pinikit ko nalang ang mata ko at inalala ang lahat ng masasayang ala-ala.
Sorry Ranz pero kailangan kong gawin 'to.
Naramdaman ko naman ang pagtigil ng motor at ng inangat ko ang ulo ko ay napapalibutan na kami ng mga itim na sasakyan.
Bababa sana ako pero hinawakan ni Ranz ang kamay ko na nakayakap sa bewang niya..
Pumikit ako at hinayaan na lang siya. Bumukas naman ang sasakyang nasa harap namin at lumabas ang isang matanda.
"Lolo"bulong ko.
"Ranz.. Bitawan mo na ako"sabi ko dahilan para lingunin ako ni Ranz.
"Please bumitaw ka na"sabi ko ulit at bumaba sa motor.
Im sorry...
Carlz pov
"Tigilan mo na yan Carlz!"sigaw ni Mama sakin.
"Ma.. Im okay"sabi ko at kinuha ang susi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"No! You are not okay. Anak sobrang pagkakamartir na ang ginagawa mo! Ayokong maranasan mo ang sakit na naranasan ko noon"ngumiti ako at niyakap si Mama.
"Ma.. I love Eniki.. I love her so much at alam ko naiintindihan mo ako dahil naranasan mo ng magmahal noon"hinawakan naman ni Mama ang pisngi ko.
"Anak ayaw kong masaktan ka.. Ayokong maramdaman mo yung sakit na mahal na mahal mo siya pero iba ang mahal niya."
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ma.. Oo masakit pero kuntento na akong makita na masaya siya kahit na kasama niya pa ang kapatid ko"sabi ko at hinalikan sa noo si Mama.
"Aalis na ako Ma"
Habang nasa kotse ako ay di maalis sa isip ko ang sinabi ni Mama.
Pagpapakamartir.
Gusto ko lang namang masigurong ok siya.
Napatingin ako sa celphone ko ng may mag pop-out sa screen ko.
Mhiane is calling.
Kinuha ko yun at sinagot.
"Carlz we failed.."sabi ni Mhiane habang umiiyak.
"Nasan ka?"tanong ko habang binibilisan ang takbo ng sasakyan.
"Hide out were checking sa nilagay nating security cameras and- "
Kahit hindi niya ituloy alam ko na ang kasunod. Bago pa man makapagsalita si Mhiane ay pinaharurot ko na ang saskyan.
Please Eniki don't give up!
Eniki's pov
"Eniki No! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makuha ka nila"agad kong hinawakan ang mukha niya at umiling iling ako.
"Hindi mo gagawin yan Ranz. Ranz hindi mo ko dapat mahalin ng ganito"sabi ko.
"Then Stay" napatingin ako kay Lolo na nakakunot na ang mga kilay.
"Stay with us"sabi ni Ranz.
"Kunin niyo siya!"sigaw ni Lolo kaya lumapit yung mga lalaki Agad naman akong nilagay ni Ranz sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!