Eniki's pov
"Good morning asawa ko"sabi ni Ranz at hinalikan ako.
Napangiti naman ako at yinakap siya ng mahigpit. Ipinikit ko ang mata ko at inamoy ang dibdib niya.
Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko."Anong oras kayo natapos?" tanong ko habang nakapikit pa din.
"Madaling araw na"sabi niya at hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.
"Bakit di mo ko ginising?"tanong ko at umupo na sa kama.
"Ang sarap ng tulog mo. Nakangiti ka pa nga"ngumiti naman ako at napakagat labi.
"Uuwi na tayo"sabi ni Ranz kaya tumango naman ako.
Birthday ko na pala bukas- Mali. Birthday namin ni Kuya Shin Cross bukas! Hala wala pa akong mairegalo kay kuya.
"Why are you pouting?"takang tanong ni Ranz.
"You want a kiss?"sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumawa lang siya.
"I love you wife"sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"Mas mahal kita Ploranzio"sabi ko nalang.
"Always?"tanong niya.
"Palagi at magpakailan paman. Ikaw lang ang mamahalin Itaga mo pa sa sun"sabi ko at hinalikan siya ng madiin dahilan para maiyakap niya ang dalawang braso niya sa beywang ko.
"Ghad that was-"
"Amazing?"pagtatapos ko pero umiling lang naman siya.
"That was everything I need"sabi niya at hinalikan ako ulit.
"Tama na nga to umuwi na tayo" nakangiti kong sabi at tumayo na.
"Salamat po sa lahat Mama at Balot"nakangiti kong paalam habang yakap si Mama Janice.
"Bumalik ka ah. Balikan mo kami" tumango naman ako.
"Ingatan mo siya Gago"sabi ni Balot kay Ranz.
"Oo naman mahal pa 'to sa Ginto"sagot naman ni Ranz at ngumisi.
"Sa birthday mo darating ako"sabi ni Balot at yinakap ako sandali at nauna na siyang maglakad paalis.
"Sige na kayo na ay umalis ng makapagpahinga kayo"sabi ni Mama at kinawayan na kami.
Habang nasa biyahi kami ay hindi nagsasalita si Ranz kaya naman natulog nalang ako. Nang magising ako nakaprada kami sa Seliva's Empire at nakatigil lang ang kotse habang si Ranz naman nakatingin lang sa manobela kaya nagtaka naman ako.
"Ploranzio?"tanong ko kaya nilingonn niya ako.
"Aalis ako bukas, kaya dito ka na muna. May importanteng meeting ako sa Singapore"sabi niya dahilan para mapatungo ako.
Birthday ko bukas pero wala siya? Sabagay mas importante yun para sa kompanya nila ni Tito Kie.
Napaangat naman ako ng tingin ng lumabas siya sa kotse at binuksan ang may pintuan ko lumabas naman ako kaagad.
"Mag-iingat ka"sabi ko na tinanguan lang niya.
Anong problema nito? May nagawa ba ako sa kanyang mali?
Nagsimula nalang akong pumasok ng hindi man lang siya nililingon.
Tumigil ako at nilingon siya pero nakatayo lang siya sa may sasakyan niya at nakatingin sa akin ng walang ekspresyon ang mukha.
Ang weird niya ngayon. Bakit kaya may nagawa ba ako?
Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako nagmartsa papasok.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!