Eniki's pov"Kamusta naman ang buhay dun?"bumuntong hininga ako.
"Ayos lang mas nakakaluwag na ako ngayon kumpara nung bago pa ako dun"tumango naman siya.
"Bumalik ka na lang kaya dito.. Tutulungan kita sa lahat ng babayaran mo.." umiling ako tsaka siya binatukan.
"Nang-aasar ka ba? Kaya ko pa naman nuh! Alam mo Yeshua Dizon marami ka ng naitulong sa akin kaya tama na yun" sabi ko at ngumiti.
Hinalungkat ko naman ang mga dating gamit ni Nanay dito.
"Esfren may nahulog"
Pinulot ko ang isang kahon. May nakasulat pa ngang Violeta sa taas.
Binuksan ko iyon at puro naman mga sulat ang nandun.
"Ano yan?" Tanong ni Yeshua.
"Hindi ko din alam.. di kaya mga loveletter ni Nanay 'to noon?"tumawa naman siya sa sinabi ko."Tama ka nga esfren! Basahin mo oh!"
kinuha ko ang inaabot niyang sulat."Sino naman to si Vincent?"takang tanong ko.
Binuklat ko ang sulat.
Mahal kong Vincent,
Kamusta ka na jan sa America? Siguro ngayon may pamilya na kayo ni Mellissa... Magtatrabaho na ako sa Syudad kasama si Inay..
Kay tagal na rin nating hindi nagkita o magkausap man lang..Patawarin mo sana ako kung nagsinungaling ako sayo... Ginawa ko yun dahil natakot ako sa posibleng gawin ng Mama mo sakin...
Buntis ako nung mga panahong iyun Vincent... Magkakaanak na sana tayo..
Pero nawala ang bata dahil sa kalapastanganang ginawa ni Juan sa akin...Hindi totoong magkasintahan kami! Niloloko ka lang ng iyung Ina...
Ngunit huli na ang pagsisisi dahil wala na ang anak natin... mapatawad mo pa sana ako...
Nagmamahal,
VioletaNatutop ko ang bibig ko dahil sa sulat. Magkakaanak sana sila kaso ginahasa si Nanay? Sino ang gagong Juan na yun? Bakit hindi sinabi ni nanay sa akin yun?
Pumulot pa ako ng isa pang sulat..
Mahal kong Eniki,
Napatitig ako sa nabasa.
Para sa akin?Anak,
Kung nababasa mo man ito ngayon siguro ay wala na ako sa mundo at kasama kong nailibing ang katotohanan tungkol sa tunay mong pagkatao.Hindi man kita tunay na anak tinuring naman kitang akin hindi man galing sa loob ko kundi galing ka sa puso ko.
Eniki, Matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ang katotohanan pero natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa iyo.
Nasa kahon na ito nakatago ang mga bagay na magtuturo sa tunay mong pamilya anak.
Patawarin mo sana si Nanay.
Nagmamahal,
Nanay VioletaWala akong maintindihan.
Tunay kong pagkatao? Sino ba talaga ako?
Alam ko namang hindi niya ako tunay na anak pero posible kayang buhay ang totoo kong Pamilya?
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!