20

3.3K 96 6
                                    

Eniki's pov

Nasan na ba si Ranz? Nandito na kasi sina tita at tito hinahanap siya.

Tapos sabi nila tita bibili daw muna sila ng makakain.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok siya.

"Ayos ka lang?" Takang tanong ko ng makita ko ang dugo sa kamay niya.

"Bakit mo ba ako tinatanong dapat inaalala mo yang sarili mo" masungit niyang sabi. Bumaba naman ako sa kama at kinuha yung medicine kit ni Liadette na iniwan niya para magamot ko ang mga sugat ko.

Pumunta naman ako sa harap niya kaya inangat niya ang ulo niya.

Kinuha ko yung kamay niya.

*dug*dug*

Babalewalain ko na muna ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Ano bang gagawin mo?" Masungit niya pa ring tanong.

Tumayo ako at pupunta sana sa banyo kaso pinigilan niya ako.

"Ako na" sabi niya at hinugasan ang kamay niya.

Pagkabalik niya ay binigay niya ang kamay niya.

"Bakit ka nagkasugat?nakipag- away ka ba?"tanong ko.

"Wala" nilagyan ko na lang ng betadine ang sugat niya at nilagyan ito ng bandage.

"Dapat hindi mo hinahayaang masugatan ang kamay mo.. Kasi alam mo bang importante yan para mahawakan mo ang mga mahahalagang bagay?"sabi ko habang nilalagyan siya ng bondage.

"Mahahalagang bagay" Mahina niyang bulong.

Pagkatapos kong lagyan siya ng bondage ay kukunin ko na sana ang kamay ko ng hinawakan niya ito bigla.

"Tama" bulong niya na naman.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa para ng sasabog ang puso ko..

Ano bang nakain ng isang to?!

Pagkalipas ng tatlong araw pinauwi na rin ako sa wakas kaso kailangan ko munang magpahinga sa bahay.

Hindi na rin pumayag si Ranz na magtrabaho pa ako.

Kaya heto ako ngayon nasa loob ng bahay niya walang magawa.

Makapaglaba nga!

Kinuha ko ang mga labahin at nagkuha rin ako ng mga gamit don at dinala ko sa garden sa likod at nagsimulang maglaba.

"May maid na pala yung gwapong nakatira diyan?sayang naman hindi tuloy ako nakapag-apply!" Narinig kong sabi nung mga dumaan na mga kasambahay rin ng ibang nakatira rito.

Mukha ba talaga akong maid?!

"Ang swerte niya naman nuh!nakikita niya yung hindi natin nakikita kay pogi jan! Pati yung six pack abs niya!"tili naman nung isa.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng mukha ko.
Bwesit! Isipin ko pa nga lang Jusko nakakahimatay na!!
Pero naisip ko hindi ko pang nakita talagang maghubad si Ranz.

May abs kaya siya?

"What are you doing?"
"Ay abs!"

*takip bibig*

>\\\<

"Anong abs? Pinagnanasahan mo abs ko nuh?"

"Bingi ka ba?! Ansabi ko absent ako ngayon yun ang iniisip ko! Feeling ka rin eh" palusot ko at nagpatuloy sa pagbabanlaw.

"Palusot ka pa eh.. Bawal sayo yan" sabi niya at hinila ako patayo.

"Tatapusin ko lang naman to eh sandali na lang" sabi ko at umupo ulit.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon