11

3.4K 95 1
                                    


Eniki's pov

"Haay" pang ilang ulit na yun na buntong hininga ko sa loob ng isang oras.

Kahit anong gawin ko nakakabagot pa rin. Eh kasi naman! Ang bwesit na ploranzio na yun hindi na kami nagkakausap! Kung dumadating siya natutulog na ako kapag umuuwi siya tulog pa rin ako. Eh kung wag nalang kaya siyang umuwi! Pero teka nga bakit ba ako naapektuhan ng ganito eh mas mabuti ngayon para wala ng magsusungit sa akin di ba?!

"Alam niyo nakakainis siya!" Sabi ko sa mga paru-paro dito sa garden ng glasshouse.

Oo para na akong timang rito. Masisisi niyo ba ako? Ikaw kaya iwanan ng mag-isa sa isang medyo malaking bahay?!

"Hey" napangiti nalang ako nung may tumawag sa akin paglingon ko si Carlz pala.

"You look disapointed may hinihintay kang iba?" Umiling ako.

"Wala ah! Ahm napasyal ka?"umupo naman siya sa tabi ko.

"May gusto sana akong sabihin kay Ranz nasaan nga pala siya?"

"Wala siya dito eh"

"Base on your reaction hindi pa kayo nagkakausap" ngumiti ako.

"Don't smile when you really feel sad" bumuntong hininga ako.

Nakakainis kasi ang bakulaw na yun nang iiwan sa ere!

Nasaan na ba kasi siya?

"You miss him?" Napaangat ako ng ulo sa tanong na yun..

Namimiss ko nga ba siya?

"Hindi ah! Namimiss ko lang ang kasungitan niya"tumawa naman si Carlz..

Oo na miss ko na siya!

********

"Saan ba yung Alpha University?!" Sabi ko habang nakatayo rito sa labas ng bahay ng bakulaw na si Ranz.

Simula na kasi ng pasukan ngayon pero hanggang ngayon wala pa rin kahit anino man lang ng bakulaw na yun.

Nasan ba siya?

Tumawag naman sa akin si tita ang sabi niya ok lang daw si Bakulaw wag daw akong mag-aalala. Hindi naman ako nag-aalala eh.

Hindi daw eh hindi ka nga makatulog sa pag-aalala!

Bweset! oo na!

Kanina pa ako rito pero wala parin akong nakikitang taxi para ihatid ako sa AU.

"Eniki!" Tawag nung nasa loob ng kotse.

Si Carlz pala akala ko siya na.

"Sabay na tayo" sabi niya at bumaba ng kotse para buksan ang pinto sa frontseat.

Ang gentleman niya naman.

Atleast kahit wala ang bakulaw kong asawa andito naman ang knight niyang kapatid.

Siguro wala talaga siyang pakialam sa akin.

"Hindi pa din ba umuwi si Ranz?"
"Hindi.. Nagtransform na yun at naging bakulaw forever -__-" tumawa naman si Carlz.
"Ikaw talaga bakit ka ba galit na galit sa kanya?"
"Wala wag na nga natin siyang pag-usapan"

Wag na natin siya pag-usapan mas lalo ko lang siyang mamimiss eh.

"Eniki kung ako ba si Ranz pakakasalan mo din ako?" Napatingin naman ako sa kanya pero siya nakatingin lang sa karsada.

"Siguro" yun lang ang nasagot ko pero ng tingnan ko siya ay nakangiti siya.

Ano kaya iniisip niya?

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon