13

3.2K 88 2
                                    

Eniki's pov

Tahimik lang kami ni Carlz na naglalakad. Alam ko namang pinakikiramdaman niya lang ako.

"Carlz! Girlfriend mo?"

Nabigla nalang ako ng may lumitaw na lalaki sa harap namin ni Carlz.

Naka uniform siya katulad ng uniform ni Carlz.

At mataas ang kumpyansa niya sa sarili ibig sabihin dakilang playboy.

"Hi miss"sabi niya tapos kinindatan pa ako.

Tiningnan ko lang siya na para bang wala akong pakialam.

"Jevz" sabi naman ni Carlz. Tas hinila niya ako.

"Sige alis na kami" sabi pa ni Carlz.

"Sino yun Carlz?" Tanong ko nung makalayo na kami.

"Jevrozel Ricafort.. Parte siya ng Royale Class at panglima sa Ranking"

Royale Class... Parang narinig ko na yun.

"Ang Royale Class katulad din ba ng Empire Knights ng E.S.U?"tumango naman siya.

"Soon makikilala mo rin sila" mababait kaya sila?

"Carlz!" Tumigil naman kami ni Carlz at hinarap yung tumawag sa kanya.

"Sige Carlz mauna na ako sayo" sabi ko at ngumiti tumango naman siya.

Habang naglalakad ako ay napansin ko ang mga kumpol ng tao na parami ng parami sa daan.

"Ano ba?! Tabi nga di ba?! Bingi ka ba?!"sigaw nung isang estudyante sa isang lalaki na kung  titingnan mo ay parang gangster talaga.

May dalawang hikaw siya na itim at yung uniform niya hindi nakabutones kaya kita yung itim na damit na sout niya. Nabasa ko kaya ang rules ng School bawal ang itim na panloob.

"Bakit ba?" Sabi lang nung mukhang gangster at nagsmirk. Infairness gwapo siya hehe.

"Ang yabang mo ah! Bakit sino ka ba?!"sigaw nung estudyante.

Hindi naman ako chismosa kaso nga lang hindi naman ako makadaan kasi nasa gitna sila nitong daan. Nasa may hallway kasi kami papasok sa building eh andaming echosera at echosero sa daan kahit ata mag "excuse me" ako wala silang maririnig.

"Hindi ba niya kilala yang pinapaalis niya sa daan?" Rinig kong bulong bulongan nung iba.

"Transferee ata siya"sabi naman nung iba..
"Aba akalain niyo si Prit Zion Ortega napapaaway na naman!"

Bigla namang may dumating na grupo at lumapit doon sa lalaking mukha ring gangster.Mukha silang mga sanggano. Yung parang mga tambay na napadaan lang.

"Ano Pritz laban tayo ulit!"sigaw ulit nung bagong dating na mukhang siya yung lider na nagsabi ng kwak kwak.

"Di ka pa rin ba natuto?" sagot naman nung gwapong gangster.

"Gago ka ah!"

Napasigaw nalang ang mga babae pati ako nung bigla nilang pagtulungan yung Pritz. Pinilit kong makadaan pero umaatras yung mga nasa harap ko! Makikiawat ako kasi baka magpatayan na sila at tsaka gusto kong dumaan kasi baka ma-late na ako!

Wala man lang pumigil sa kanila kaya hindi ko na kinaya pa. Sumout ako sa mga tao at pumagitna na.

"Tama na yan! Mag-isa lang siya andami niyo kaya!"sigaw ko don sa isang grupo. Tumingin sila ng masama sa akin habang wala namang reaksyon yung gwapong gangster.

"Wag ka makialam!"sigaw nung isa sa mga sanggano
.
"Ahhh!"

Napasigaw nalang ako ng akmang hahampasin na nung leader ng mga lalaki yung gwapong gangster at kusang gumalaw ang katawan ko at pumunta sa harap nya.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon