42

2.8K 77 1
                                    

Eniki's pov

Nakatulala lang ako habang pauwi galing sa Ospital.

Sino ba ang mag-aakala na magkakagusto sa akin si Carlz?

Ang boung akala ko si Trisha ang gusto niya at nahihiya ako kay Carlz sa dami ng kabutihang nagawa niya sa lahat lahat ng tulong niya sa akin.

Hayst..

Pagdating namin sa bahay ay agad akong sinalubong ni Nana Glenda.

"Miss Yanna!"tawag ni Nady..
Na nasa may likod ng bahay..

Nagulat naman ako ng makita si Mama at Kuya Xam doon kaya agad ko silang niyakap ganun din sila sakin.

"Anak! Kamusta ka na?"
"Ma.. Ok lang po ako.. kayo po? Kamusta na po kayo?"tanong ko.

"Hindi okay anak kasi wala ka.. nag aalala ako sayo... Narinig kong may nangyari kay Rhanzhel"malungkot akong tumango.

"Anak huwag kang sumuko ah.. Magiging ayos din ang lahat.. Magkakasama din tayong lahat at hindi na maghihiwalay pa.."tumango ako at niyakap ulit si Mama at Kuya.

Ilang sandali ay umalis na din sila. Ang sabi nila nagkaoras lang para kausapin nila ako ay dahil wala ang mga bantay ni Lolo sa bahay ngayon.

Habang nasa kwarto ako ay hindi maalis sa isip ko si Ranz. Yung ngiti niya. Yung mga masayang ala-ala. Yung barahan namin at yung mga kulitan.

Namimiss ko din si Tita Reisha yung isasama niya ako sa mall tapos mamimili kami ng mga damit niya. Namimiss ko si Tito Kie din yung mga pag-uusap namin tungkol kay Ranz.

Namimiss ko ang kasungitan ni Kz. Yung binabara niya ako at sinasabihan ng Stupid.

Namimiss kong tumambay sa lawa sa loob ng Royale Garden favorite tambayan ko ang lawa na yun eh. Namimiss ko yung pagtatalo ni Liadette at Mhiane kung sino ang bagay sakin.

Namimiss ko ang tea ni Chaina na masarap na masarap.

Namimiss ko ang buhay ko. Namimiss ko ang pagiging Eniki.

Namimiss ko ang pagiging asawa ng bakulaw na yun. Yung pinagtitimpla ko siya ng kape niya sa umaga. Yung sabay kaming aalis.

Yung pinagsasabihan niya ako dahil sa matigas ang ulo ko. Lalo na yung nasa Korea kami.

Namimiss ko na yung tawa niya. Namimiss ko siyang kayakap sa pagtulog. Namimiss ko yung bigla siyang susulpot at ipagtatanggol ako.

Namimiss ko ang lahat lahat simula nung araw na dumating siya sa buhay ko. Yung araw na nagising akong katabi siya.

kailan ba kita makakasama ulit Ranz??

Carlz pov

"He's awake"sabi ni Tita at ngumiti.

Dalawang linggo na simula nung nangyari ang aksidente at ilang araw na ring hindi nakakapunta si Eniki dito at ang nakikita ko lang ay yung kasama niyang lalaki at isang babae.

Nagdadala ng prutas yung babae at yung lalaki nasa labas lang.
Kakagising lang din ni Ranz at usual he's not talking to anybody.

Kahit tinatanong siya ni Tita at Daddy tango at iling lang ang sagot niya. Lagi siyang nakatingin sa bintana at pinto.

Hinihintay niya sigurong dumating si Eniki.

Kahit ngayon magkaharap kami pero kay layo ng tingin niya.

Ang sabi ng doctor dalawang araw na lang at makakauwi na siya.

"Hinihintay mo ba siya?"tanong ko.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon