60

2.7K 76 1
                                    

Eniki's pov

"Friendsary pala namin ngayon"sabi ko at humiga sa kama. Kumunot naman ang kilay ni Ranz habang nakatingin sa akin.
"Friendsary?" masungit niyang tanong.
"Oo namin ni Balot. Ngayong araw kami nagkakilala noon. Nung nahulog siya sa puno malapit sa bahay namin" napangiti nalang ako ng bumalik sa ala-ala ko ang nangyari nun. Walong taon gulang palang kaming pareho non.

"Balot? Lalaki?"umupo na si Ranz at nakaangat na ang kilay niya.
"Oo lalaki, Yeshua ang pangalan niya"sabi ko. Mas lalo naman kumunot ang kilay niya.
"Lagi kayong magkasama?"tanong niya..
"Oo dati, lagi nga nakatambay samin yun dun na nakakatulog sa tabi ko"kwento ko sa kanya.
"What?!"sigaw na niya. Problema ng taong to?!
"Anong what?! Teka nga problema mo?"tanong ko. Tumitig lang siya sa akin tas bigla nalang ako hinalikan ng mariin sa labi. Kaya sa gulat ko ay hindi ako nakareact.

"You are mine"sabi niya.
"Edi wow"sagot ko nalang at humiga ulit sa kama.
"Ploranzio punta tayo kay balot bukas"masayang sabi ko at pumikit na.
"Good night Mister"bulong ko pa..
"I love you misis"rinig ko pa at naramdaman ko ang halik niya sa noo ko..

Mhiane's pov

"Ghad! Can you just stop! Stop following me!"I shouted to the dog who is standing at my back. Hindi ba siya napapagod? Kanina pa siya!
"Chill down baby"sabay kindat niya pa.
"Just evaporate"sabi ko at tinalikuran ulit siya.
Why is this happening to me? Why is he keep on following me?! This idiot Jevrozel!
"Sayang ang kagwapohan ko kung mag- eevaporate lang naman" sabi pa niya. Nakakairita siya talaga.
"Just get lost okay?!"sigaw ko at pumasok na sa bar.

"Mhiane! Here!" sigaw ni Paris my cousin from States.
"Hey! How are you?"sabi ko nalang at hinalikan siya sa pisngi.
"Im super okay! How about you?"sabi ko at umupo.
"Who is that good looking boy?!"sagot niya sa tanong ko. Wow still the same.
"He's a dog don't mind him"sabi ko at ininom ang tequila na naa tapat ko. Tumayo naman si Paris at lumapit kay Jevrozel. Automatic na umisa ang kilay ko sa ginawa niya. I don't know but I hate my cousin right now.

Tumingin nalang ako sa harap ko and I flip my hair.
"Funny though"sabay tawa pa ni Paris.
Kasama niya na si Jevrozel at umupo ito sa tabi ko.
"Hi"bulong niya sa akin. I considered it as a whisper dahil ako lang ang nakarinig.

"Go to hell"sabi ko rin at uminom ulit ng alak na nasa harap ko.
"So Jevz how's everything? How is it being the son of Jaycee the multi-awarded actor"napairap ako. Knowing Jevrozel he doesn't want to talk about how famous he's father is.
"Fine, Let's not talk about him"sagot niya at ngumiti. Should I say a flirty smile.

"Why are you not talking cuz?" baling ni Paris sa akin..
Kasama niyo pa pala ako?
"Lasing na ata ako. I should go home"sabi ko at tumayo. Partly true but still I can handle myself. Gusto ko lang makalayo sa lugar na'to. The air is suffucating me.

"Hatid ko na siya Paris" sabat ni Jevz.
"She can handle her self Jevz! She's fine right cuz?"

Flirt! I wanted that to shout to her face but I smiled and nod. Gustong-gusto naman ng asong 'to ang makipagharutan sa mga babae niya.

"Bye Paris"sabi ko at umalis na.
Mabilis akong naglakad palayo sa bar.
"Sandali"muntik akong sumigaw ng may humawak sa kamay ko.
"Who are you?! Let me go!"sigaw ko sa lalaking humawak sa kamay ko.
Winaksi ko amg kamay niya pero mas lalo niyang hinigpitan.

"Ano ba!"sigaw ko.
May humablot nung kamay nung lalaki kaya nabitawan niya ako.
It's him.

"Sino ka ba?! Ako nauna dude" sabi nung humawak sa akin.
"She's my girlfriend"sabi ni Jevz at hinila ako palayo.
I'm your what??!?!?

Eniki's pov

"Akala ko ba gusto mo puntahan yung balot?"napatalon ako sa gulat ng masalita si Ranz sa likod ko.

Nakaharap kasi ako sa bintana at akala ko tulog pa siya.

"Payag ka?!"masaya kong tanong.
"May magagawa ba ako?"tanong niya na parang wala sa mood nagsusuplado na naman ang gago.

"Mahal na mahal talaga kita"sabay halik ko sa pisngi niya bigla naman siyang namula kaya napatawa ako.
"Kinikilig ka"tukso ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng masamang tingin.

"Shut up"sabi niya at tumalikod na.
Kaya napatawa nalang ako.

"Mag-ingat kayo!"sabi ni Mama at sumakay na kami ni Ranz sa sasakyan.
"Misis"napaangat ako ng tingin ng tawagin niya ako.
"Mister bakit?"nagtaka ako ng ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.
"Nasabi ko na bang mahal na mahal kita?"nag-isip kunwari ako at umiling.
"Hindi mo naman ata ako mahal"sabi ko at nagpout. Ngumisi naman siya.
"Mahal kita.I repeat mahal kita"gaya niya sa pagsasabi ni Baby shin shin kapag naglalaro sila ng barilbarilan. Napatawa ako at pinatong ang ulo sa balikat niya. Tumingin naman siya sa harap para makafucos sa pagdadrive.
"Bakit ang swerte ko?"tanong ko. Inagat ko ang ulo ko at tumingin kay Ranz.
"Because you deserve it. You deseeve everything"

Siguro nga tama si Ranz. Siguro nga pagkatapos nga lahat ng paghihirap at lahat ng sakit karapatan ko ding sumaya. Karapatan kong maranasan ang magkaroon ng pamilya at mamuhay ng masaya.

"Tell me wife"nilingon ko si Ranz.
"Ano yun?"tanong ko. Nakatingin lang siya sa daan.
"How does your life before we came?"napatingin ako sa karsada sa harap at biglang nagflashback sa akin ang lahat lahat.

"Naalala ko lang yung bahay. Yung maliit na kubo na nakapatong sa taas ng bundok. Napapaligiran ng puno at mga halaman. Wala kaming kapitbahay at kami lang dalawa ni Nanay ang nandun. Lumaki ako sa lugar na dun na walang nakakikilala. Hanggang sa napadpad dun si Yeshua at nagkarpon ako ng kaibigan. Araw-araw siya pumupunta doon noon"napangiti ako sa mga ala-alang iyon.

"How about your life at school?" napatingin ako kay Ranz at ngumiti.
"Wala akong naging kaibigan sa Schol kasi magkaiba kami ng pinapasukan dati ni Yeshua. Nasanay akong mag-isa hanggang nakatapos ng Elementary. Nung nawala si Nanay yung mama ni Yeshua ang nagtaguyod sa akin sandali pero nahihiya na ako kaya naman umalis ako sa kanila at nagtrabaho nalang sa bayan."tumango naman siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Bakit Ranz?"umiling lang siya.
"Sana noon pa lang nakilala na kita. Paano ka naman nakapasok sa E.S.U?"
Paano nga ba? Pinikit ko ang mata ko at inalala ang bagay na yun.

"Ah! Napadaan kasi ako nun sa Gate nila at nakita ko si Ate Dina yung Cook sa canteen naghahanap daw sila ng part-timer kaya naman go agad ako"sabi ko.

"Tapos nagtratrabaho ka pa sa Coffee shop tama?"tumango ako.
"Oo, para mabayaran ang lupa at bahay namin na nasangla ko ng magkasakit si Nanay"
"About that, Nabayaran ko na ang lupa at bahay ni Nanay mo" napadilat ako ng mata kasi dapat ako ang gagawa nun eh.

"Paano? Kailan?"takang tanong ko.
"That day nung iniwan mo ako sa kotse at sinigawan mo ako dahil sa ayaw kita pagtrabahuin"simpleng sagot niya. Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ang sasabihin.

"Nung nawala si Nanay halos ikamatay ko din yun. Kasi wala nakong mapupuntahan. Pero bago siya magkasakit sinabi niyang hindi niya ako anak kaya naman hinanap ko ang mga magulang ko pero di ko alam kung saan ako magsisimula kaya inisip ko nalang na baka nga ayaw lang nila sa akin"Hinawakan ulit ni Ranz ang kamay ko.

"Hinanap ka nila. Nang malaman namin ang nangyari sa inyo noon naawa ako kay Tita Jerisha dahil siya ang sinisi nang lahat"napayuko ako. Kung nahirapan man ako noun wala yun sa hirap na dinanas nila Mama.

Nagtanong pa siya ng ilang bagay at bigla nalng akong nakaramdam ng antok.

"Tss. Sleep now"sabi niya kaya naman dinantay ko ang ulo ko sa may salamin at pumikit.

"Misis wake up were here"inangat ko ang mata. Nabigla ako ng nasa backseat na ako at may jacket na nakalagay sa may dibdib ko.
"Waaah! Nandito na tayo sa bayan walang hanggan di mo ako ginising agad!"sabi ko. Tumawa lang siya at piningot ang ilong ko.

"Tulog na tulog ka eh. Pinagod mo ba sarili mo kahapon?"umiling ako at bumalik sa tabi niya.

"Ayun pa papunta sa bahay Ranz"sabi ko at tumingin sa bundok.

Nagpatuloy na kami sa byahe at ng makarating kami sa may bahay nilakad nalang namin ang ilang metro.
Sa wakas nakabalik na din ako kasama ang taong mahal ko.

"Welcome sa dati kong buhay Ploranzio!"sabi ko at hinila siya papasok ng bahay.


Sabi ko di ba babawi ako yeeee sunod sunod na update na diz

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon