Eniki's pov
Napapikit muna ako bago sumagot. Ano bang isasagot ko sa tanong na kahit ako hindi ko masagot?
"Oo naman gusto ko papa mo bilang isang bakulaw kasi siya lang yung bakulaw na kung magalit wagas" sagot ko at ngumiti ng tamis kay Shinzhel pero blangko ang ekspresyon ng mukha ng musmus.
"Tss"sabi naman ni Ranz.
"Andito na tayo" sabi niya at bumaba ng kotse.
Problema non?
Bakit parang iritado yun?Bumaba nalang ako sa kotse at napatingin sa paligid.
Wow..
Ang ganda rito!
Ngayon lang kasi ako nakapasok sa mga ganitong lugar. Wala kasing ganito sa amin sa probinsya.
Meron lang dun perya wala namang ganitong rides. Pagdating ko naman dito sa syudad eh wala din naman akong pera para makapasok sa mga ganito. Alam mo na sarili ko nga di ko mapakain ng maayos tapos igagastos ko lang pera ko sa pagsakay ng ganito.
Para akong batang manghang-mangha sa lahat ng nakikita ko. Ang daming pwedeng sakyan at kainin sa lugar na 'to.
"Where do you wanna ride first hmn?"tanong ni Ranz kay Shinzhel.
"Horror house" sabi ni Shinzhel dahilan para mapangiwi ako.
Kapag may salitang horror ayoko talaga. Sinasabi pa nga lang natatakot na ako.Nilingon naman ako ni Ranz kaya napatayo ako ng tuwid. Ano ba naman tong taong to! Bigla nalang tumitingin.
"Ahhh"tumingin siya sa akin na para bang humihingi ng permiso ko kung ok lang ba.
"Sige kayo na lang ang pumunta dito na muna ako hihintayin ko kayo"sabi ko at umupo sa bench.
"Are you afraid?" Tinaguan ko si Shinzhel.
"Why? Hindi naman sila true eh. They won't bite you."paliwanag pa ni Shinzhel.
"Hindi na okay lang ako dito. Sige na enjoy kayo ah"tumingin lang sa akin si Shinzhel at tumalikod na."Dito ka lang wag kang aalis"sabi ni ploranzio kaya ngumiti ako at tumango.
Nung umalis sila ay nilingon pa ako ni Ranz. Hinila naman kaagad siya ni Shinzhel sa kamay hanggang sa nawala sila sa paningin ko kaya nolibot ko nalang ang paningin ko sa paligid.
Sobrang ganda naman talaga dito. Madaming tao. Madami ring mag-asawa na kasama ang mga anak nila. Masaya silang nanunoud at kumakain ng kung anu-ano.
"Hi miss"
Nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot sa tabi ko.
"Ano kailangan mo?"ngumiti naman siya.
Alam ko istilo ng mga lalaking ganito.
Babaero.. Total wala naman akong ginagawa sakyan ko na nga lang siya."Wala naman.. Gusto lang kitang samahan nag-iisa ka ata eh" hindi ko siya sinagot at tumingin nalang ako sa mga batang naglalaro ng habol-habulan.
"I'm Gab.. Gabriel you are?"
Nilingon ko siya at napatingin ako sa kamay niya. Ibinalik konang yingin sa lalaki at iirap na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Im Rhanzhel Zayne Lee her husband nice to meet you Gabriel right?"
0.0
Nagulat ako sa pagdating ni Ranz.
Tiningnan niya ng masama yung Gab kaya natakot ata kaya ayun umalis."Haayst nawala lang ako sandali" sabi niya.
"Mama who's that?"inosenteng tanong ni Shinzhel.
"Hindi ko kilala baby bigla nalang yung umupo sa tabi ko" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Roman pour AdolescentsIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!