37

2.8K 87 2
                                    

Eniki's pov

"Tulala tsk"nagulat ako ng may nagsalita sa harap ko.

Nasa bahay na pala ako ni hindi ko man lang napansin.

Dumiretso na ako sa pagpasok at binalewala ang taong nasa harap ko.

"I'm begging you Eniki.."

Pumapasok lagi sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Trisha.

"I need Ranz.. I.. Have Cancer!"

Bakit ang sakit ng nararamdaman ko?!

Bakit pakiramdam ko ayokong isuko si Ranz?

Ayokong bumitaw! Pero...

Ayokong maging masamang tao at isa pa wala akong karapatang ipagdamot si Ranz sa kanya.

Hindi ko pag-aari si Ranz.

Kaya...

Aalis na lang ako dito at hindi na magpapakita pa.

Para naman mabigyan ko sila ng panahon na magkasama.

Kapag umalis ako pwede na nilang ipawalang bisa ang kasal namin ni Ranz at magpakasal sila.

Tama...

Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at ipinasok sa bag.

Napako ang tingin ko sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table.

Pareho kaming nakangiti ni Ranz dito dahil kiniliti ko siya para ngumiti.

Ang saya pa namin dito.

Naalala ko pa nung sinabi niya sa Korea na babalik kami.

Pero...

Hindi na mangyayari yun kasi-

Kakalimutan ko na ang lahat.

Kakalimutan ko na naging parte sila ng buhay ko.

Babalik na ako sa probinsiya at magsisimulang ulit doon.

Magiging si Enail Kitzerly Perez nalang ako. Ang babae na normal at simple lang ang buhay.

Kumakayod para magkapera at mabuhay sa araw-araw.

Nagtratrabaho habang nag-aaral.

Tulad ng dati...

"Eniki" natauhan ako at agad ipinasok ang bag sa ilalim ng kama.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mukha niya.

Blangko ang ekspresyon nito kaya hindi ko alam kong galit ba siya o ano.

"Mag-usap tayo"sabi niya. Umiwas ako ng tingin.

"Aalis na ako"sabi ko.

"Eniki ano bang problema mo bakit ka lumalayo?!"nagulat ako ng nagtaas siya ng boses.

"Wala"sagot ko nalang at aalis na sana ng hawakan niya ang kamay ko.

Dahilan para mapatigil ako.

"Tama na... Pagod na ako Ranz"sabi ko at winaksi ang kamay niya.

Nagmamadali akong tumakbo at lumabas ng bahay.

Nanlalabo ang mata ko sa mga luhang namumuo sa mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napaupo.

Ang sakit... Ang sakit-sakit..

"Kaya ako bumalik para makasama ng mas matagal si Ranz"

"I'm sorry kung nasaktan man kita nun"

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon