47

2.6K 70 1
                                    

Eniki's pov

"Miss Yanna" napatayo ako ng pumasok si Nady at nilock ang pinto ng kwarto nila ni Nanay Glenda dito na kasi muna ako habang wala pa si Lolo.

"Anong sabi niya? Kamusta siya?"tanong ko.

Hinila niya naman ako paupo at niyakap ng mahigpit.

"Ang sabi ni Miss Liadette,Chaina at Mhiane po na yakapin kita para sa kanila.. Pinababalik din nila ako bukas para sa mga sulat nila para sayo.."

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko at pilit na ngumiti.

"Si Ranz?"tanong ko.. Tumingin naman siya sakin.

"Hindi po siya nagsalita at agad umalis ng ibigay ko ang sulat na para sa kanya.."napayuko naman ako.

"Nasasaktan po siya ng sobra.."sabi pa ni Nady.

Nasasaktan din ako na wala kaming magagawa na dalawa.

"Miss Yanna.. Mahal na mahal ka niya ramdam ko kahit hindi siya nagsalita.. Kahit na tahimik lang siya mahal na mahal ka niya"yinakap ako ni Nady ng mahigpit na mahigpit.

"Nady may selpon ka ba?"tanong ko sa kanya pinakawalan niya naman ako at lumapit sa isang drawer.. Inabot niya ang selpon niya at kinuha ko naman ang ID ko na nasa wallet ko.

Nakasulat sa likod ng ID ko sa Cafe ang number ni Ranz incase of emergency.

Dinial ko ang number at napangiti ako ng nagring ito at agad sinagot.

"Who's this?"

Natutop ko ang bibig ko ng nagsalita siya.

Miss na miss ko na siya...

Sobra..

"Ploranzio"sabi ko.

Hindi siya umimik ng ilang sandali.

"Misis? Ikaw ba to? Totoo ba to?"tanong niya hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Yung boses niya halatang nanabik parang si Shinzhel lang na naghihintay na maluto ko ang banana cake niya.

"Ploranzio"sabi ko ulit.

"Are you okay? Anong nangyari? Please.. Please Eniki magsalita ka"taranta niyang tanong.

"Ok lang ako... Ikaw kamusta na? si baby shinshin?"

"You're crying.. Hindi ako ok alam mo yun"napabuntong hininga nalang ako.

"Ranz... Magiging ok din ang lahat.."sabi ko.

"I miss you misis.. Miss na miss na kita.. I want to hug you tight right now" sabi niya.

Si Nady naman ay nakikinig lang sa amin.

"ako din miss na kita.."sabi ko.

May kumalabog naman sa pinto kaya natapon ko ang selpon sa kama at sabay kaming tumayo ni Nady.

"ANONG GINAGAWA MO JAN! MAGLINIS KA DITO! DI BA ANG SABI KO HINDI KA PWEDENG MAGPAHINGA!"nabigla nalang ako ng hilahin niya ang buhok ko at pumasok siya sa loob ng kwarto.

Tinulak niya ako ng malakas dahilan para tumilapon ako sa may vase sa gilid ng kama ni Nady.

"Katulad ng vase na yan.. Ganyan ang mangyayari sa buhay mo Yanna.. Sisirain ko ang buhay mo!"sigaw niya at umalis na.

Agad akong pinatayo ni Nady at gulat na gulat siyang makita ang kamay ko na puno ng dugo.

Sobrang hapdi ng kamay ko.

Si Ranz!

Agad kong hinanap ang selpon sa kama at nakita kong nasa kabilang linya pa si Ranz.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon