10

3.7K 100 4
                                    

Eniki's pov

"Tara" pagkatapos niya pagtawanan ang pagmumukha ko ay hinila na niya ako patayo.

"Saan?"
"May pupuntahan ako isasama nalang kita kawawa ka kasi eh mag-isa" sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumawa uli siya.

Ang babaw ng kaligayahan.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Para kaming naghoholding hands.

Kinikilig ako!

Pumasok kami sa isang bar. Mesyo madilim pa siguro dahil maaga pa ngayon.

"Lee" tawag nung lalaki.

Nagsmirk naman si Ranz.

"Di ba gusto mo kong makita?"sabi ni Ranz at tinago ako sa likod niya.
"Sino yan syota mo?"pinilit nung lalaking makita ako kaya siniksik pa ako ni Ranz sa likod niya.

"Pakialam mo" sagot ni Ranz..
"Wala ka pa ring pagbabago tulad ka pa rin ng dati"natatawang sabi nung lalaki.

"Tss" sagot ni Ranz.
"Kung wala ka ng kailangan aalis na ako" sabi ni Ranz.

"Alam ko ang tinatago mo Lee"
"Alam mo?" Tanong ni Ranz.

"Oo lahat lahat kahit yang babaeng kasama mo kilala ko siya at alam ko kung ano siya sa buhay mo" bigla akong kinabahan sa tingin nung lalaki.

Para niya akong kakainin ng bou.
Canibal ba siya?!

"Huwag mo siyang idamay.. Inosente siya rito"
"Hahaha bakit natatakot ka?"

"Sino ka ba?" Tanong ko.

"Tara" sabi ni Ranz at hinila ako paalis.

Kahit sobrang nagtataka ako sa pinagsasabi nung lalaki ay hinayaan ko nalang siyang hilahin ako.

Hanggang di ko na malayan bumalik kami dun sa store at dumiretso sya sa cashier at kinuha ang nakabalot tas tinulak niya ako sa dressing room.

"Magpalit ka" nakakunot noo lang akong napatingin sa kanya.

Magtatanong pa sana ako ng isara niya ang pinto.

"Para san ba 'to?" Tanong ko at binuksan ang balot.

0///0

"Ito yung..."

Inangat ko ang shirt at tama nga ang hinala ko. Ito yung shirt na gustong gusto ko!

Ibig sabihin kaya.

0.0

Pagkatapos ko magbihis ay binuksan ko ang pinto bumungad sa akin si Ranz na sout ang kapares nitong shirt.

"Akala ko ayaw mo ba't mo binili?"
"Tara na daming tanong" hinawakan na naman niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.

Habang nasa biyahe tahimik lang siya.

"Tara" sabi niya at naunang bumaba sa sasakyan.

"San ba tayo pupunta?"

Tanong ko habang nakasunod sa kanya.. Ang cute niya habang sout ang shirt na pareho kami.

"Dito"

0.0

"t-teka! Dressing room to ng mga artista!" Ngumiti lang siya at tiningnan ako.

"Salamat Ranz!!" Sabi ko at sabay yakap sa kanya.

********
"Anong ginagawa mo jan?" Tanong niya at umupo sa kama sa tabi ko.

Hindi ko alam pero hindi na siya masyadong nagsusungit ngayon. Pagkatapos nung kanina sa pagdala niya sa akin sa studio ay umuwi na rin kami.

Hindi ko alam kung paniginip ba lahat ng to ang alam ko lang masaya ako.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon