Eniki's pov
"Siya si Emerald ang magababantay muna sayo habang wala ako.."sabi ni Lolo. Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko. Nakangiti siya sakin.
Pero bakit di ko kayang ngitian siya pabalik? Mabigat ang loob ko sa kanya.
"Emerald siya si Yanna.."inabot nung babae ang kamay niya sa akin habang nakangiti kaya inabot ko iyun.
"Im so happy to see you alive Yanna! Wow.. I can't believe your alive"sabi niya.
Hindi ako umimik kaya binitawan niya ang kamay ko.
"I am Emerald Garcia... and I'm gonna take care of you I promise"sabi niya.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Emerald siguraduhin mong nandito lang siya sa mansion. Malayo sa mga Lee"sabi ni Lolo.
"Dethan sumama ka na muna sa akin.. Nandito naman si Emerald siya na ang bahalang magtalaga ng papalit sayo.. Nandyan naman si Nady at Glenda para pangalagaan siya.."patuloy pa ni Lolo at nagsimula ng maglakad.
"Mag-iingat po kayo Mr.Shin" masiglang sabi ni Emerald.
Nakatingin lang ako kay Dethan at Lolo na paalis.
"so.."napatingin ako kay Emerald ng magsalita siya bigla.
"You are Yanna.. how cheap"sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Tumalikod ako pero hinila niya ang buhok ko.
"Bitawan mo ako!"sigaw ko.
Dumating naman si Nady at Nana Glenda.
"Huwag kayong makikialam!"sigaw ni Emerald sa kanila.
Kaya pala ang bigat ng loob ko sa kanya!
"Huwag kang mag-aalala Yanna.. Hindi ako katulad ng Lolo mo dahil mas masahol pa ako sa kanya"sabi niya at tinulak ako ng malakas buti nalang at nasalo ako ni Nady.
"Simula sa araw na'to isa ka ng alila.. muchacha, tagapagsilbi.. Hindi ka na prinsesa sa mansyong to! At simula ngayon magtratrabaho ka para makakain.. Naiintindihan mo?! Doon ka nababagay kaya doon ka nararapat!"sabi niya at tumawa ng malakas.
Pinatayo naman ako ni Nady at pinagpagan ang damit ko.
"Bruha talaga yang babae na yan!"sabi ni Nady.
"Ayos ka lang ba anak?"tanong ni Nana.
Tumango naman ako at pinapasok nila ako sa kwarto.
Ito na siguro ang panahon para tumakas ako.
Carlz pov
"Ilang araw na siyang ganyan"sabi ni Tita sa akin habang nakatingin kay Ranz.
"Parang wala sa mundo at parang hindi tayo nag-eexist sa mundo niya. Mas malala kaysa dati"
Siguro dahil alam niyang wala nang pag-asang makukuha pa namin si Eniki.
"Kahapon nga nagbalak siyang puntahan ang Seliva's. Buti nalang at napigilan namin siya"sabi ni Tita.
"Si Shinzhel? Kamusta na siya?"tanong ko.
"Kinuha mo na siya ni Richella"tumango ako.
Si Richella ang bestfriend ni tita Zhelina. Buti na lang at palagay din ang loob sa kanya ni Shinzhel.
"Anong gagawin natin Carlz para mabalik lang siya sa dati?"tanong ni Tita sa akin.
Hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko.
Paano nga ba?
"Let's find a way to get Eniki back Tita and Ranz will be okay again"sabi ko.
"How? Paano natin gagawin yun? Eniki is Yanna.. For all the people in the world bakit si Eniki pa ang naging Yanna?"frustrated na sabi ni Tita.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!