Eniki's pov"Tara" napatingin ako kay Carlz.
Tapos na kasi ang klase ko ngayon at pauwi na sana ako hinihintay ko nalang si Kuya Min.
Ayokong tawagin siyang butler Min kasi mas mukha pa akong muchacha kaysa sa kanya at isa pa si Ranz ang nagpapasweldo sa kanya hindi naman ako.
"Pinapasabay ka sa akin ni Tita kasi may inutos siya kay Butler Min kaya ako na maghahatid sayo" tumango nalang ako at sumakay sa kotse niya.
Mas naging okay na ang araw ko kumpara sa kahapon. Kasi ngayon may naging kaibigan na ako. Sina Liadette at Chaina. Mababait silang tao.
Ang sabi pa nila susunduin daw nila ako bukas at sabay kaming kakain nakakahiya nga eh.
"Andito na tayo" sabi ni Carlz kaya napalingon ako.
Pagkababa ko ng kotse ay sinalubong ako ni tita.
"Hi! Kamusta ang school?!"
"Ok lang po" sagot ko naman.
"May naghahanap pala sayo" sabi ni tita at tinuro ang isang taong nakatayo malayo sa amin.Nung makilala ko ay muntik na akong mapatalon sa tuwa.
"Waah!! Lolo Russel!"sigaw ko at lumapit sa kanya.
Tumawa naman siya at niyakap ako. Namiss ko si lolo kinailangan niya kasing magstay sa hospital ng ilang araw para sa therapy niya.
Alam kong nanghihina na si lolo pero lumalaban pa rin siya.
"Iha ang laki mo na ah!"
"Lolo naman ilang araw lang kaya tayong hindi nagkita!"sabi ko tumawa naman siya."Iha kamusta ka na? Kayo ni Ranz?"
"Ok lang naman po kami. Hindi na po siya masungit katulad ng dati" ngumiti naman si lolo."Tama nga ako. Ikaw na nga ang hinihintay namin" sabi niya.
Naguguluhan man ako sa sinabi niya ay ngumiti nalang ako.
"Iha may pakiusap sana ako sayo"
"Ano po yun lolo?"
"Samahan mo kong pumunta sa isang magandang lugar" makahulugan niyang sabi.Tiningnan ko lang siya pagkalaunan ay ngumiti ako at tumango.
"Sige maghanda ka muna at hihintayin kita rito" tumango ako at nagpaalam sa kanya.
******
"Carlz alam mo ba saan tayo pupunta?"tanong ko.
"Hindi eh" sagot niya binalingan ko naman si Kz na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko."Stop staring you're creeping me out" tiningnan ko lang siya ng masama.
Magkapatid talaga sila.
Namiss ko tuloy ang bakulaw na yun.Huminto kami sa isang town
house ata kasi masyado na rin kaming malayo sa syudad. Wala naman ibang nakikita kundi isang bahay.Napatingin ako sa bahay. Glasshouse rin katulad ng kay Ranz pero dito malapit sa dagat. Kahit dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang dagat kahit gabi na.
"Ang ganda ng langit di ba?" Tanong ko kay Carlz ng tumabi siya sa akin.
"Oo sobrang ganda" sabi niya.Nang mapatingin ako sa kanya ay nakatingin siya sa akin.
May kung ano sa tingin ni Carlz pero hindi ko naman maintindihan."Hinahanap na kayo" napalingon ako at nakita ko si Kz. Sumunod nalang kami sa kanya.
Pagdating namin sa loob ay si Tita nalang ang naabutan ko dahil pinagpahinga na si Lolo.
"Bahay namin to noon Eniki. Dito ako lumaki at nagkamalay at dahil rin sa bahay nato kaya ko nakilala si Kie."
Nagulat ako sa sinabi ni tita. Ngumiti naman siya kaya napangiti din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!