62

2.5K 64 0
                                    

Eniki's pov

"Paano?"rinig kong bulong ni Yeshua.

Simula nung nakapasok kami sa loob ay ganyan lang ang naririnig ko sa kanya. Gulong-gulo ba siya na nag-asawa ako?

"Magpaliwanag ka! esfren ilang taon ka lang nawala sa bahay may asawa ka na?!"sigaw na niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Don't shout"simpleng sabi ni Ranz na mataman lang na nakatingin kay Yeshua.

Napabuntong hininga ako ulit. Napalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano bang gagawin ko para magkasundo 'tong dalawa?

"Yeshua, alam kong huli na para magpaliwanag pa ako kaso gusto kong makinig ka sa akin ng mabuti. Si Ranz ay asawa ko na talaga kinasal kami"

Napayuko ako at ng mapatingin ako sa kanila ay kumunot ang noo ko. Bakit sila nagkakatinginan na wari mag-uusap pa gamit ang mga mata?

"I'll continue the story."sabi ni Ranz at hinawakan ang kamay ko.

"It was a fixed marriage. My mother and grandfather decided that wedding but I.. I fall inlove with her on the process"

Namula naman ako sa sinabi ni Ranz kaya napayuko ako. Hindi ito ang tamang oras para kiligin alam ko pero di ko mapigilan ang sarili ko.

"Nak ng! Ano?! Enail! Ang bata mo pa! Bakit ka pumayag na makasal sa kanya!"sigaw ni Yeshua na masama ang tingin kay Ranz.

"Alam ko mali talaga pero Esfren masaya ako"sabi ko at tumingin sa kanya.

"Kaya ka bang buhayin ng taong yan? Kaya ka bang pagsilbihan niyan habang buhay? Hindi biro ang pinasok niyong buhay Enail!" napayuko nalang ako kasi pag tinawag na niya ako sa pangalan ko seryoso na siya at galit.

"Ang liit ng tingin mo sa akin. Syempre kaya kong buhayin ang asawa ko. Kaya ko siyang bigyan ng buhay na maginhawa"sabat naman ni Ranz na nakasmirk pa.

"Oh? Saan naman galing ang pera mo? Sa magulang mo? Paano kung maubos ang pera ng pamilya mo? Paano mo bubuhayin ang kaibigan ko? Kaya mo bang kumayod sa buhay?" nakasmirk din na tanong ni Yeshua sa kanya.

Di ko na alam kong anong sasabihin ko kaya hahayaan ko nalang silang magsagutan diyan.

May point naman doon si Yeshua eh. Paano nga kung mawala lahat ng yaman ni Ranz at yaman ng pamilya ko? Kaya kong mabuhay ng walang pera pero paano si Ranz? Nasanay siyang lumaki na nakukuha lahat ng gusto niya. Isang pitik ng kamay at andyan na sa harapan niya lahat.

"Nakuha ko lahat lahat hindi dahil sa pera ng magulang ko. Sariling sikap ko yan lahat. Yung bahay na tinitirhan namin ay sa sariling sikap ko lahat ng yun."

Ibig sabihin-

" I was 14 ng nagtratrabaho na ako sa kompanya ng Papa ko. I was 18 when I established some of my business. Isa ang cafe na pinagtratrabahoan dati ni Eniki. Hindi porket mayaman ang pamilya ko ay hindi na ako magtratrabaho."

Hindi naman nakapagsalita si Yeshua. Nakatingin lang siya ng mataman kay Ranz.

"Patunayan mong karapat dapat ka sa Kaibigan ko."sabi ni Yeshua at tumalikod na.

"Simula ngayon babantayan kita. Simula din ngayon kailangan mong patunayan sakin na kaya mong mabuhay dito kung gugustuhin ni Enail na dito na kayo tumira" sabi ni Yeshua at humarap sa akin.

"Ligawan mo ulit si Eniki sa paraan ng mga kalalakihan dito sa probinsya"
"Ano?!"sigaw ko pero ngumisi lang si Yeshua.

Yeshua's pov

"Ano? sumusuko ka na?"nakangising tanong ko sa damuhong napangasawa daw ni Enail.

Gwapo nga mayaman nga mukha naman lampa. Eh ano!? Yang kagwapohan ba niya makakayang magbuhat ng troso at kayang mag-igib? Sus mukha lang puhonan.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon