Carlz pov
"Let me go!"sigaw niya kaya marahas ko siyang binatawan.
"Ouch! How dare you!"sigaw niya sa akin.
"Hindi mo ko madadala sa arte mo Trisha"sabi ko.
Umangat ang kilay niya at umayos ng pagkakatayo. Magagawa niyang paikotin lahat ng tao pero hindi ako.
"Bakit hindi mo nalang ako tulungan?! Alam ko namang may gusto ka kay Eniki hindi ba?"sabi niya.
"Hindi ako kagaya mong desperada"sabi ko.
"Mahal ko si Ranzhel, Carlz"sabi niya.
Napasmirk ako sa kanya. Nagpapatawa ba siya?
"Mahal mo? Talaga? Ano akala mo sakin? Akala mo maniniwala ako sayo? Nagpapatawa ka ba?!"
Sa sinabi ko ay napaatras naman siya. Siguro dahil alam niyang may alam ako sa gusto niyang mangyari!
Dinadaaan niya ang kapatid ko sa pagpapa-awa niya.
"Your Crazy Carlz! I know you like her!"
"Oo mahal ko si Eniki!pero di ako kagaya mo! Mahal ko siya kaya ayaw ko siyang masaktan!"sigaw ko.
"Idiot! Stupid! Ang tanga mo! Hindi ka niya mamahalin kong di ka gagawa ng paraan para mailayo siya kay Ranz!"frustrated niyang sigaw.
"Alam mo bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo. Maloloko mo si Mhiane at ang iba pero hindi ako Trisha"sabi ko at tinalikuran siya.
"I can help you steal her Carlz just let me help you"sabi niya.
Nagdirediretso lang ako sa paglalakad.
Hindi na kailangan dahil alam kong talo na ako..
Eniki's pov
Ano ba ang nangyayari?! Posible kayang!
0.0
May gusto si Carlz kay Trisha kaya naman ayaw niya itong lumalapit kay Ranz!
Sabagay maganda naman si Trisha malabruha nga lang ang ugali. Malay naman natin di ba nainlove nga si Ranz sa kanya. Kaya mayroon sigurong ugali siya na sila lang ang nakakakita.
"Lets go maghahanda pa ako sa laban mamaya. Tsk ayokong matalo sa Sebastiano na yun"sabi ni Ranz.
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Bakit para lang wala sa kanya ang nangyari?
"Wala ka bang balak puntahan si Trisha?"nagtatakang tanong ko.
Di ba dapat kausapin niya muna baka ako na naman kasi sisihin ni Trisha eh.
"Wala"cold niyang sagot at nagsimulang maglakad.
Hindi na rin ako umimik hanggang makarating kami sa Royale Garden.
"Eniki!"sigaw ni Liadette at yinakap ako.
"Alam kong hindi matutuloy ang balak niyong maghiwalay!"masaya niyang sabi.
Ngumiti nalang ako. Sa lahat ng kasama sa Royale Class si Liadette lang ang nakikita ko ang pagkagusto sa relasyong meron kami ni Ranz.
Paano naman si Trisha? Di ba magkaibigan sila. Bakit mabigat ang loob ni Liadette kay Trisha?
"Galing dito si Tita Rei"sabi niya at sinalinan ako ng tea.
"Galit na galit siya kay Trisha"sabi niya at tumawa.
May galit ba tong si Liadette kay Trisha? Kasi pansin ko sa kanilang tatlong Quenz siya lang ang hindi pumapansin kay Trisha.
"I really don't like her too. Tama si Tita she is selfish.."napatingin ako kay Lia.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!