Eìniki's pov
"San ba tayo pupunta mamaya pa ang labas ko!" Sigaw ko pero pinapasok niya na ako sa kotse.
"Kung magtratrabaho ka dapat hanggang 10:30 lang ng gabi. Pagkatapos nun uuwi ka na sa bahay"
"Wow nanay ba kita may curfew talaga?" Sarcastic kung sabi.
"Asawa"
Namula naman ako sa sinabi niya. Kainis pinapaasa lang naman ako ng bakulaw nato eh!
"Salamat pala kanina" sabi ko nalang.
"Ayoko lang na may ibang humahawak at lumalapit sayo" sabi niya.
Bakit naman kaya?
"Bakit naman? Ang O.A mo huh" sabi ko.
"Kaya dapat hindi ka na lumalapit sa kapatid ko pagsinabi kong sabay tayong umuwi wag ka ng maraming tanong. Ang dami mo pang arte"
-_-
"Ang demanding.. Kaibigan ko lang naman si Carlz bakit masama ba siyang makasama?" Tanong ko.
"Masama talaga" sabi niya.
"Ewan ko sayo ang dami mong bawal alam mo yun.. Kulang nalang bawal kang tumingin sa iba"
"Kasama din yun"-_-
Ewan ko sayo!
"Ranz bakit ka ganyan?" Tanong ko bigla.
"Alin?" pokerface niyang tanong pabalik.
" ganyan ka bakulaw"
"Nakakatawa" tumawa naman ako sa reaction niya.Ang cute niya kasi.
Hahaha..
"Tss.." Sabi niya lang.
"Bakit ka ba sobrang nakakainis ploranzio?" Tanong ko.
"Bakit kung ang kapatid ko kasama mo hindi ka naman naiinis di ba?"Napatingin naman ako sa kanya.
"Mabait kasi si Carlz ikaw hindi" sabi ko nalang.
"Ang sabihin mo may gusto ka sa kanya"
"Ano namang masama kong meron nga di ba?" Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Pagdating namin sa bahay ay padabog pa siyang pumasok sa loob. Anong nakain nun? Baliw talaga ang taong yun.. Paiba-iba ang mood.. Ayy ewan!!!!
Pumunta mo na ako sa kusina at uminom ng kape bago umakyat sa taas.. Papasok na sana ako sa kwarto ng may narinig akong nag-uusap.
"Oo.. Susunduin na kita bukas..wag ka na magtampo.. Bye baby.. I miss you too"
0.0
"I love you too"
Siguro mahal na mahal niya ang girlfriend niya kasi yung bakulaw na kasama ko kanina naging prinsepe kapag magkausap sila.
Haay.. Yan kasi asa asa ka pa sa mga pinaggagawa niya kanina!!!
Huminga ako ng malalim bago pumasok at tahimik na humiga sa kama.Bukas sana mawala na tong lahat!!
Maagang umalis si Ranz dahil pagkagising ko wala na siya.. Malamang magkikita pa kaya sila ng baby niya!
Tss.
Naglakad na lang ako papunta doon sa sakayan ng jeep para makapunta sa AU.
Pagdating ko ay sakto namang nakaabang si Carlz sa gate.
"Ang aga naman niyan" sabay turo niya sa mukha ko.
"Tanong mo dun sa kapatid mong bakulaw" sabi ko. Tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
أدب المراهقينIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!