Eniki's pov
"Ma, kinakabahan ako"hinawakan naman ni Mama ang kamay ko.
"Normal lang yan anak" tumango nalang ako at napatingin sa susuotin kong wedding dress.
Ito na ang araw na pinakahihintay namin ni Ranz. Hindi ko alam kong anong binabalak niya. Hindi ko pa siya nakikita simula nung umalis siya. Baka may niluluto na namang kalokohan ang isang yun katukad ng nangyari nung birthday ko.
"Magsisimula na po tayo sa make-up niyo."tumango nalang ako at hinayaan silang ayusan ako ayun sa gusto ng mga wedding organizers ko.
"Ang ganda-ganda naman ng Bride!"masayang sabi ni Mhiane at yinakap ako. Isa siya sa mga bridesmaid ko. Silang tatlo ni Liadette at Chaina. Habang si Nady naman ang kinuha kong maid of honor.
Hindi naman pwedeng isali si Dethan sa entourage dahil siya ang head ng security ko. Siya din ang maghahatid sa akin sa simbahan. Habang si Carlz ang bestman ni Ranz actually silang dalawa ni Yeshua. Pahuhuli ba naman ang balot na yun. Pimaghandaan niya pa nga daw ang araw nato.
Sa hindi ko malamang dahilan ay iba ang kutob ko na para bang may hindi magandang mangyayari.
Napatingin ako sa relo na nasa harap ko. Dalawang oras nalang at ikakasal nako pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Tara na po" tumango ako kay Dethan.
"Deth, nakausap mo ba si Ranz?"umiling lang naman siya at pinaandar na ang kotse.Sa hindi ko malamang dahilan kinakabahan talaga ako. Kasal ko naman 'to di ba? Walang mangyayaring masama.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Alas singco ng hapon ang kasal namin at sinaktong matatapos ang seremonya sa paglubog ng araw. Ang ganda ng mga paghahanda na ginawa ni Ranz. Ang alam ko siya pa nga ang pumili ng simbahan kong saan kami ikakasal. Dun pa din sa simbahan kung saan kami ikinasal noon.
"Andito na po tayo"tumango ako kay Dethan pero una siyang bumaba sa akin at kinausap sina Mama.
Lahat sila nakatingin sa akin at may nababasa akong pag-aalala sa mga mata nila.
Bakit? Anong nangyari?
Carlz's pov
"Wala pa si Ranz. Hindi din siya sumasagot sa mga tawag namin"sabi ni Nathan habang nakatingin kay Eniki na nasa loob pa din jg sasakyan.
"Paanong wala siya! Kasal niya 'to! Imposibleng gagawin ni Ranz 'to!" sabi naman ni Jevz.
Tinawagan ko naman si Dad pero ganun din hindi sila sumasagot kahit si Kz puro nakapatay ang phone nila.
"Last Minute back out ba'to!"frustrated na sigaw ni Mhiane.
Imposibleng gawin ni Ranz 'to pinaghandaan niya ang araw na'to! Hindi niya pwedeng gawin kay Eniki ito.
"Walang tao sa bahay nila"sabi naman ni Pritz. Kaya mas lalong napuno ng bulong bulongan ang simbahan.
"Ginagago ba ni Lee ang kapatid ko?!"galit na sigaw ni ShinCross.
"Ano?! Hindi pwedeng gawin ng mga Lee yan sa pamilya ko!"sigaw din ni Don Shin.
Lumalala na ang sitwasyon.
Ano bang nangyayari? Ranz nasaan ka ba?Napatigil naman ang lahat ng bumaba si Eniki sa sasakyan at naglakad siya papunta sa gitna ng simbahan kung saan kami lahat nakatayo. Naguguluhan ang mga tingin niya sa amin.
"Nasaan si Ranz?"walang nakaimik sa amin sa tanong niya.
"Eniki"napalingon naman si Eniki sa nagsalita na papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!