48

2.6K 77 2
                                    

Eniki's pov

"Natatakot ako"sabi ko yinakap naman ako ni Nana Glenda ng mahigpit na mahigpit.

"Maging masaya ka anak.. Hindi ka nararapat sa lugar na ito.."sabi ni Nana.

Yinakap ko din siya pabalik.

Ito na ang araw na makikita ko na si Ranz.

Sabik akong makita siya at mayakap pero may halong kaba naman sa puso ko sa posibleng mangyari.

Alam ko malalaman din ni Lolo ito.

Pero gusto ko silang makasama kahit kunting oras lang.

"Mag-iingat ka miss Yanna.. Huwag po kayong mag-aalala sa amin.."sabi ni Nady yinakap ko din siya ng mahigpit na mahigpit.

Ilang sandali ay naghanda na din ako para sa pagtakas ko.

Tatalon ako sa bintana ng likod ng mansion at andun na yung iba para hintayin ako.

Yun lang ang sabi ni Carlz.

Paano kung mahuli sila? Halos isang daan ang natitirang security guards dito sa bahay ngayon at buti nalang at hindi si Mang Dado ang head dahil day off siya ayoko siyang madamay at mawalan ng trabaho.

Natatakot rin ako sa mga posibleng mangyari.

Posible kasing bago pa man ako makatakas ay mahuli na sila.

Lumabas ako sa kwarto ko at lakad takbong pumunta sa isang kwarto na siya namang nasa pinakalikod ng mansion. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na may posible palang madaanan sa bahay nato na walang makakakita kaso nga lang kailangan kong tumalon galing dito sa thirdfloor.

Biglang nag alarm ng sumampa ako sa may bintana at napalunok nalang ako.

Paano na?!

Carlz pov

"All set"sabi ko at tumingin sa nakabukas na bintana.

Nakahanda na ang sasalo kay Eniki sa oras na tumalon siya. Ilang araw din naming pinaghandaan ito. Buti nalang at nagbigay ng blue print ng Mansion si Nana Glenda.

"Mhiane can you hear me?"tanong ko sa kabilang linya gamit ang earpiece ko.

"Aye aye"sagot naman ni Mhiane.

"Goodluck guys.. Nakapwesto na din si Jevz at Pritz kung sakaling magkaaberya tayo"sabi naman ni Liadette.

Ang girls naman ang bahala sa communication naming lahat.

Nasa harap ng bahay si Jevz at Pritz para linlangin ang mga gwardya kung sakaling tumunog yung alarm.

Habang si Nathan naman ang naghanda ng pangharang sa mga susunod sa amin sa pagtakas.

"patalon na siya"sabi ko.

"Shit!"sigaw ko ng tumunog ang alarm at umatras si Eniki..

"Bumalik ka rito!"sigaw ng babae.

Tumalon naman si Eniki sa bintana at ng makababa siya sa tarpaulin ay agad ko siyang hinila palayo doon.

"Guys! Plan B"sigaw ko.

Takbo lang kami ng takbo na dalawa at pumasok kami sa kakahoyan kung saan sa labas nun ay naghihintay si Ranz.

Tumigil muna kami saglit at nagtago sa malaking bato.

"Carlz!"sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

"You're safe.. you're safe"sabi ko at yinakap siya pabalik.

"Paano yung iba? Paano kung mahuli sila-"  pinutol ko naman ang sasabihin niya.

"Makakatakas sila Eniki.. Ang aalahanin natin ay ang makatakas ka at malayo sa lugar nato"tumango naman siya at tumakbo na ulit kami.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon