58

2.6K 77 3
                                    

Eniki's pov

"Welcome home!!!!"gulat na gulat ako ng pagbukas ng pinto ng Mansion ni Lolo ay bumungad silang lahat sa akin at may pumutok pang confetti.

Napatawa naman sila Mama at agad akong yinakap ng mahigpit.
"Miss na miss ka na namin Anak!"sabi ni Mama.Sumunod naman agad sa pagyakap sila Kuya at lumapit naman si Lolo sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero nakatitig siya sa akin.

"Patawad apo"bulong niya kaya naman agad ko siyang niyakap.

"Pinapatawad na po kita lolo"sabi ko. Naramdaman ko ang tumulong likido sa balikat ko. Alam kong umiiyak si Lolo.

"Panahon na"sabi ni lolo at kumawala sa pagkakayakap ko.

Naguluhan naman ako pero hinawakan agad ni Ranz ang kamay ko. Kanina pa siya hindi umiimik simula nung nakalabas na kami sa ospital.

"Anak..." napatingin ako kay Mama at nakita kong seryoso siya.

"May gusto akong ipakilala sa iyo"sabi niya at ngumiti.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ranz. May problema ba?

"Princess"Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakita ko na siya. Hindi ko maalala kung saan  pero nakita ko na siya.

"Anak, siya .. Ang papi mo" Literal na napanganga ako at parang naka automatic ang mata ko dahil agad akong napaiyak at niyakap siya agad.

Di ko alam. Dahil siguro na lumaki akong walang amang nakagisnan. Lumaki akong walang ama na nagproprotekta.

Naalala ko pa noon umiiyak ako kasi sinabihan nila akong walang tatay. Inggit na inggit ako kapag nakakakita ng mga batang kasama ang papa nila. Nasabi ko noon gusto ko din ng ganyan. Gusto kong mayakap ang Papa ko.

Kumawala ako sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nakita ko ang mga luha mula sa mga mata niya. Magkapareha kami ng mata.

"Akala ko hindi na kita mayayakap pa Princess"sabi niya at hinalikan ako sa noo. Umiiyak sila Mama pati na ang mga kuya ko at narinig ko din ang pagsinghot nina Chaina, Mhiane at Liadette.

"Matagal ko ding pinangarap magkaroon ng matatawag na Papa, tatay Daddy o Ama"sabi ko at hinawakan ang pisngi ni Papa.

"Totoo ka po ba?"tanong ko tumawa naman siya at yinakap ako ulit.

This time lumapit na sina Mama at ang mga kuya ko at nakisali sa yakap. Yumakap din si Shinzhel at lolo.
Wala na ata akong maihihiling pa. Sa mga 'to.

Tumingin ako kay Ranz at nakita ko ang pagngiti niya.

"Salamat"bulong ko.

Liadette's pov

"Wow!"sabi ko ng pinapasok kami ni Eniki sa kwarto niya.

"Parang kwarto naman to ng prinsesa!"sabi din ni Chaina.

Umupo kami sa parang Mini sala. Lahat dito pink at purple combination. Parang bahay ni Barbie ang dating.

"Pinabago daw 'to ni Lolo ng natulog ako ng halos isang buwan"sabi niya at ngumiti sa aming tatlo.

"Hey, I'm sorry about what I did"sabi ni Mhiane at yumuko.

Linapitan naman siya ni Eniki at yinakap siya nito.

"Ano ka ba! Kahit naman ako yun eh. Naging totoong kaibigan ka lang Mhiane.. Walang mali doon"sabi ni Eniki.

"Tama si Eniki, Mhiane kahit ako ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Trisha ang laki ng pinagbago niya"sabi ko.

Tumango naman si Chaina sa sinabi ko.

"But now.. Eniki is one of us! She is now one of my beloved Quenz!"sabi ni Mhiane at pinag-group hug kaming apat.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon