Eniki's pov
Kung papayag ako. Mapapasaya ko na si lolo.
Kaso...
Bakit pa kasi sa bakulaw slash halimaw pa na yun? wala na ba akong ibang choice? Hindi ba pwedeng si James Reid na lang?
"Pag-iisipan ko pa muna lolo" sabi ko.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ng walang katuturan ni lolo bago dumating ang doctor at pinagpahinga na siya.
Kaya heto ako nakatulala lang.
Ano ba gagawin ko? kung magpapakasal naman ako instant may pamilya na ako.
May matutuluyan pa ako kahit pansamantala lang kaso ayokong makasama ang bakulaw na yun!
Maiistress ako boung buhay ko -.-
"Eniki.. umuwi ka na muna ako na bahala kay papa"
0.0
Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng may nagsalita. Si Tita lang pala.
"Tita ok na po ba kayo?"
"Yeah.. im fine i think?" sagot niya at umupo sa tabi kong upuan.
"Samahan ko na po kayo" sabi ko pero ngumiti lang siya at umiling.
"No,umuwi ka na muna naghihintay sa iyo sa baba si Ranz" tumango na lang ako at lumabas na.
"Tss ang tagal" napairap nalang ako..
"Pasensya na po ah lolo Ploranzio" sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse.
"Why are you keep on calling me with that annoying name?" irita niyang tanong.
"Bagay kasi sayo" nakangisi kong sagot.
Inirapan niya naman ako.
Talo pa ata niya ang kasungitan ko. Menupausal na siguro 'to.
Pumasok na ako sa kotse niya.
Hindi ko pa nga naikakabit ang seatbelt ko eh pinaharurot na niya ang kotse."Wala talagang modo.."
"TSS"Sobrang nakakabagot kasama ang taong 'to.
Buti pa matulog nalang ako.
"Hoy gumising ka tulo laway ka na oh" kahit kailan talaga ang tao na to.
"Oh eto na po gising na po!" Sabi ko at Inirapan siya.
Nakakainis talaga ang ugali niya.
Palibhasa kasi mayaman Kaya ang ugali pang world class.
"Alam Kong gwapo ako so stop staring"
Sino naman kayang may sabi sa kanyang gwapo siya?! Ang kapal ng pagmumukha ah!
"May bagyo atang paparating ang lakas ng hangin eh! Pangalan ata nun bagyong Ploranzio"
"TSS.. Your such an annoying creature"
Pumasok nalang ako at umakyat sa kwarto ko.
Haay sana talaga gumaling na si lolo...
Ano ba desisyun ko? Papayag ba ako?O Hindi?
Bahala na..
Tama ba tong magiging desisyun ko? Hindi ba ako magsisisi dito?
Pagkabukas ko ng pinto lahat napatingin sa akin pati yung kapatid ni Ranz yung gwapo na nakita ko sa labas.
"Eniki?" Napatingin lang ako Kay lolo.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Ficção AdolescenteIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!