22

3K 84 2
                                    


Eniki's pov

"Tulog na tulog na siya"sabi ko nung bumaba si Ranz at binuksan ang pinto sa backseat kong saan kami nakaupo ni Shinzhel na ngayon ay nakatulog na sa may hita ko.

"Kukunin ko na siya"sabi niya kaya tumango ako.

Pagkabuhat niya kay Shinzhel ay agad rin akong lumabas at sumunod sa kanya para isara ang pinto.

Dumiretso na muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

Hindi ko pa ring maiwasang ngumiti sa tuwing naalala ko ang lahat ng nangyari.

Pakiramdam ko isa kaming pamilya ngayong araw. May Papa,Mama,at Baby.

Pero sana habambuhay nalang ganito. Lagi akong may ngiti sa labi. Laging masaya.

Kaso hindi eh..

Nanghihiram lang ako ng asawa. Pag-aari talaga siya ng iba.

Umakyat na ako sa kwarto at bubuksan sana ang pinto ng may naririnig akong kausap siya.

"Ok let's meet up tommorow" rinig ko pang sabi ni Ranz.
"Of course.. Your still important to me"

Aray..

Ouch..

Ang sakit...

Umiling iling ako at pumasok na sa loob.

Tumingin naman siya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Sa baba na ako matutulog jan nalang si Shinzhel"sabi ko at kumuha ng kumot at unan tsaka nagmadaling bumaba.

Pagkababa ko ay agad akong nagtalukbong ng kumot at pilit pinikit ang mata.

Magkikita na sila bukas. Anong gagawin ko? Eh ano ba dapat ang gagawin ko?

Wala naman akong karapatang pigilan siyang makipagkita eh.

Haay itutulog ko na nga lang 'to!

"Mama!wake up! It's late already!"

Binuka ko ang mata ko at nakita ang nakabusangot na mukha ni Shinzhel.

"Good morning"bati ko sa kanya at bumangon na ako.

Paano ako nakaakyat rito sa kwarto?

Takang-taka akong tumingin sa paligid. Tumayo nalang ako at pumasok sa banyo.

Pagkababa ko pagkatapos kong mag-ayos ay naabutan ko ang mag-ama na parehong nagsusuot ng sapatos nila.

Kaya bago pa nila ako mapansin ay patakbo akong lumabas ng bahay.

"Mama!" Pahabol na sigaw ni Shinzhel kaya nilingon ko siya.

"Bye baby! mamaya nalang!"sigaw ko at tumakbo.

Hindi ko na nakita ang rwaksyon ni Ranz o mahintay pang may sabihin pa siya. Ano namang sasabihin niya?

"Haay"buntong hiniga ko ng malayo na ako sa bahay.

Sobrang saya ko pa kagabi dahil sa mga nangyari.

Nakalimutan kong may girlfriend pala siya.

Teka nga? Bakit ba ako naapektohan ng ganito?! Hindi ko naman siya mahal eh!

sino ba niloloko ko?

Ewan!nakakabaliw na kasi! Ayoko nito!

Kinuha ko na lang ang keychain kagabi. Yung may picture naming tatlo.

Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala yung nangyari.

Kaso..

Oo nga pala may mahal na siyang iba.
Dapat alam ko kung saan ako lulugar.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon