Eniki's pov
Napakalamig ng simoy ng hangin na para bang yinayakap ako.Nakakalungkot alalahanin ang mga panahong nawala sa akin si Nanay. Halos magmakaawa ako sa Diyos na ibalik siya ngunit parang hindi niya ako nadinig.
"Nay! Happy birthday to me. Alam ko na naalala mo na birthday ko kaya ka nagpakita sa panaginip ko"sabi ko habang nilalagay ang dala kung bulaklak na white rose.
"Galing pa yan sa hardin namin nay pinitas ko para sayo. Naalala mo noon nay kapag birthday ko. Gigisingin mo ako sa kantang happy birthday"sabi ko at pinunasan ang dumdaloy na luha sa nay pisngi ko.
Naalala ko na naman lahat. Mga ala-alang masayang balikan ngunit malungkot alalahanin kasi may mga bagay na hindi na maibabalik kailanman. Katulad ng isang buhay na hindi na kaya pang dugtungan.
Binuksan ko nalang ang isang cupcake at nilagyan ng maliit na kandila.
"Happy birthday to me" bulong ko.
Sana makasama ko pa ng matagal na panahon ang lahat ng taong mahal ko. Sana maging maayos ang lahat at magmahalan lang ng tapat.
Hinipan ko ang kandila at inilapag iyun sa ibabaw ng lapida ni Nanay. Nakaupo lang ako sa damuhan at hinyaang alalahanin ang lahat ng ala-alang kasama ko si Nanay ng biglang may pares ng sapatos akong nakita sa tabi ko.
Inangat ko ang tingin ko at isang lalaking naka polo shirt ng blue at naka black pants ang nakita kong may dalang violet tulips.
"Hi"sabi niya at ngumiti. Sa tantsya ko ay magkasing edad lang sila ni kuya Jershin.
Nakatayo lang siya dun kaya umusog ako ng kaunti. Nakatingin lang siya sa pangalan ni Nanay at bahagya siyang ngumiti.
"Kilala mo po ba si Nanay?"tanong ko kaya nabaling ang tingin niya sa akin.
"I'm Vincent Rodrigo" lumaki ang mata ko ng inabot niya sa akin ang kamay niya.
"Eniki..."sabi ko at inabot ang kamay niya.Hindi ako makapaniwalang itong lalaking ito ay ang lalaking minahal ni Nanay. Ito ang lalaking ama ng batang dinadala niya noon.
"Are you her daughter?" tumango ako at mataman siyang tiningnan.
"Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka bumalik kaagad" nilingon niya lang ako at nakita ko ang lungkot na kumikislap sa kanyang mata."Bumalik ako. Binalikan ko siya pero huli na. Hindi ko na alam kong nasaan siya. Ang sinabi sa akin ni Mama ay sumama na siya sa lalaki niya pero hindi ako naniwala kaso lang nawalan ako ng pag-asa nung nalaman kong kinasal na siya at sa ibang lugar na tumira."sabi niya at umupo na sa tabi ko.
"Hindi totoo yan"sabi ko at inilabas ang mga sulat ni Nanay na dinala ko ngayon dahil gusto ko sanang basahin iyon sa harap ni Nanay.
"Hindi ko inaakalang makikita kita dito pero dinala ko yan para sana basahin para kay Nanay. Alam kong matutuwa siyang alalahanin ang pagmamahalan niyo. Ikaw lang ang minahal ni Nanay."sabi ko at inabot sa kanya ang mga sulat na nasa sobre pa.
"Kamakailan ko lang nalaman na namatay si Violy dahil hindi na ako umuwi ng Pilipinas simula ng malaman kong sumama na siya sa iba."
"Mahal na mahal ka ni Nanay"sabi ko na nginitian niya lang. Ilang segundo pa ay nagpaalam na din siya kaya napatingin nalang ako ulit sa nakaukit na pangalan ni Nanay.
Pagdating sa Mansion ay nagtataka akong binuksan ang malaking Gate dahil wala man lang ni Isang gwardya at lahat ng Ilaw ay nakapatay.
Kinuha ko ang celphone ko at ni isang text wala man lang akong natanggap. Malungkot na pumasok ako sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw sa may sala. Bumungad sa akin ang isang malaking puting kahon na nakalagay sa Sofa nitong Sala.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!