Eniki's pov
"Wow! Ang ganda ganda mo po Miss Yanna"sabi ni Nady na mangha na mangha sa itsura ko.
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin.
Hindi na ito ang Eniki na kilala ko. Ibang iba na.
Nakasout ako ng itim na dress at nakaayos ang buhok ko at nakamake up din ako.
Ngayon na daw ang araw na makikilala ako ng lahat bilang si Princess Elliana Seliva ang nawawalang apo ni Don Shin Seliva ang isa sa pinakamayamang tao sa mundo.
Hindi si Eniki..
Si Eniki na simple lang ang buhay kuntento ng kumain ng dalawang beses sa isang araw.
Nag-aaral sa umaga nagtratrabaho sa gabi. Ulila at mag-isang tinataguyod ang sarili.
Pagkatapos nakilala ang isang matanda na nagdala sa kanya sa isang pamilya na agad niyang minahal.
Natutong magmahal at masaktan.
Ranz..
Hindi ko na alam ang nangyari kung okay lang ba siya o ano.
Di ko na alam at pakiramdam ko para na lang akong puppet na may kumukontrol sa bawat galaw ko.
"Si Yanna.. oo maganda pero si Eniki hindi"sabi ko.
Hindi naman umimik si Nady. Inayos niya lang ang damit ko at ngumiti sa akin.
"Wag ka ng malungkot Miss Yanna.. Malay mo nagising na ang sleeping Prince at hinihintay ka lang niya doon."sabi ni Nady at ngumiti.
"Salamat Nady.. Salamat sa lahat lahat.. Salamat din kay Dethan at lagi kayong narito sa tabi ko.."yinakap ko siya at ganun din siya sakin.
Sana nga magkita na kami ni Ranz. Gusto ko siyang makita at makausap kahit ilang segundo lang. Gusto kong makitang ok siya.
Bigla namang may kumatok at agad bumukas ang pinto pumasok si Dethan na nakaformal suit din.
"Naks oh! Gwapo naman ng partner ko!"sabi ni Nady at sinapak ng mahina si Dethan.
"Syempre ang ganda ni Miss Yanna"sabi ni Dethan.
"Bolero"sabi ko at tumawa.
Ilang sandali ay niyaya na akong umalis ni Dethan.
Habang nasa kotse ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa ganito.
"Imbitado po ang pamilya niya Miss Yanna at may narinig ako na posibleng pumunta siya kasama ang Pamilya Lee.."napatingin ako sa labas ng bintana. Kapag nagkita ba kami makikilala niya pa ako??
Maalala pa ba ako ni Ranz? Makikilala niya pa ba ako kahit madaming nagbago sa akin? Sana nga.
"Sana nga..Gusto ko siyang makita"sabi ko.
"Huwag kayo mag-aalala Miss Yanna hahanap tayo ng tyempo nag magkakausap kayo" ngumiti ako kay Dethan.
"Salamat Dethan"sabi ko.
Pagkarating namin sa venue ang lahat ay napatingin sa pagdaan ko. Isa itong mascarade party kaya lahat may sout na maskara.
"Sino siya?"
"Ang ganda ng sout niya"
"Di ba pag-aari ng mga Seliva ang sasakyang yan?"Sari-sari ang naririnig ko mula sa nadadaanan ko. May sumalubong sakin at pinaupo ako sa may stage katabi si Manager Derk ang butler ni Lolo. Manager ang tawag namin sa kanya dahil mukha siyang manager.
"Magandang gabi Miss Yanna"bati niya.
"Maganda pa ako sa gabi Manager Derk"biro ko.
Tumawa naman siya at tinapik ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!