19

3K 103 5
                                    


Eniki's pov
Maaga akong nagising at tiningnan muna ang mag-ama sa kwarto nila bago ako naghanda ng pagkakain pagkagising nila. Mahimbing pa ang tulog ng dalawa.

Sarap hali-este tadyakan ni Ranz habang tulog. Bumaba nalang ako at nagluto ng pagkain pagkatapos ay nag-ayos na ako at pumasok sa school.

Pupuntahan ko nalang sina Mhiane at Liadette sa Royale Garden yun kasi sabi nila eh. Kapag wala daw akong klase ay puntahan ko sila doon. Sa pagkakaalam ko kasi wala silang klase ngayon.

"Hoy" sabi nung isang lalaki at hinarangan ako.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Ikaw ba si Eniki?" Hindi ako tumango pero umangat ang kilay ko.

"Sumama ka sa amin" sabi niya at hinila ako. Sa bigla ko ay nagpumiglas ako pero sadyang malalakas sila.

"Teka! Ano ba sino ba kayo?! Bitawan niyo nga ako!"

Pero kahit anong palag ko ay madali nila akong nahila sa parang sirang warehouse nitong school. Padabog nila akong pinaupo sa silya at pinirangan ang mata ko at ginapos ako. Nilagyan din nila ng tape ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw.

Nakaganun lang ako ng mga ilang minuto. Natatakot na ako pero wala naman akong magawa. Hindi naman ako makatakas ni makasigaw!!!

Sino ba sila? Kidnaper? Holdaper?snatcher?teacher?caregiver?

Ahhh! Ewan nababaliw na ako sa kaba!

Naramdaman ko naman ang pagtanggal sa piring ng mata ko at unti-unti ay nakikita ko na sila kahit medyo madilim.

Sobrang dami pala nila. Sa jwenta higit sampu sila at may mga tao pang nakatayo sa gilid sa madilim na parte.

"Bakit mo kasama si Carl Zharm Lee?"
Tiningnan ko lang sila ng masama.

Ang tanga niya grabi!

"Sumagot ka!"

Tanga lang talaga!

"Ahh sorry to interrupt you sir but she can't speak"

-_-

Wow english!

"Tanggalin niyo nga yang letseng nasa bibig niyan!" Sigaw naman nung leader ata nila.

Kaya nagmadali agad ang mga gagong tanggalin ang tape na nasa bibig ko.

"Anong kasalanan ko sa inyo?!" Sigaw ko.

"Bakit mo kasama si Carlz Lee?!"

Napapikit ako ng sumigaw siya.
Dyahi may laway atang kasama yun!

"Magkaibigan lang kami ni Carlz!" Sigaw ko rin.

"Ano to showbiz?!"sigaw niya rin..
"Yun kasi ang totoo!"sigaw ko rin.

Nagulat nalang ako ng hilahin niya ang buhok ko. Huwag ang buhok ko!

"Sagutin mo ako!"
"Kaibigan ko lang siya!"sigaw ko.

May gusto ba siya kay Carlz? O baka naman may secret affair sila?! Ano ba tong iniisip ko!

"Parusahan niyo yan!"

Lumapit naman yung iba sakin. Nakakatakot yung mga itsura nila para nila akong kakainin ng buhay.

Wala ba akong batman o kahit superman man lang ngayon? O wala ba si tamahome? Ang pitong tagapagtanggol ng Suzaku? O kahit si guko nalang?

Katapusan na ba to ng buhay ko?

Ranz...

Carlz pov

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon