65

2.4K 66 0
                                    

Eniki's pov

" Ang ganda naman dito"sabi ko at hinubad ang sapatos ko tsaka naglakad sa dalampasigan sinipa sipa ko pa ang buhangin.

Habang naglalakad lang naman sa tabi ko si Jacob at nasa isang bulsa ng pantalon niya ang isang kamay.

"I miss this"napatigil ako sa sinabi ni Jacob at nilingon siya. Tumigil din naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Pinangarap ko 'to dati. Dadalhin ko ang babaeng mahal ko dito. Nakahawak kamay kaming maglalakad sa dalampasigan at sabay hihintayin ang pagbaba ng araw"sabi niya dahilan para mapayuko ako.

Ginawa kasi namin ni Ranz yun. Don sa rest house niya. Naalala ko kung paano ako halikan ni Ranz nun.

"Kasama ko nga siya pero ibang lalaki naman ang iniisip niya"sabi ni Jacob at nauna nang maglakad sa akin.

"Jek jek! Sorry"sabi ko kaya huminto siya pero di ako nilingon.

"Karapatan mong sumaya jek. Bumalik ka na sa dati. Sa panahong nakilala kita. Yung jekjek na nakilala ko hindi ganito" umiling lang siya pero hindi ako nilingon.

"Kahit ibalik ko pa ang Jacob na yun hindi pa din ako mamahalin ng babaeng mahal ko. Kuntento na ako kung ano ako ngayon"sa sinabi niya ay di ko napigilan ang mga luha ko.

Bakit ko siya nasasaktan ng ganito? Bakit ako Jacob? Ayokong saktan siya. Ayokong saktan ang taong kasama ko sa panahong hirap na hirap ako.

"Hey, stop crying. Hindi mo kasalanan. Kusa akong nagbago hindi mo ko pinilit magbago. Binago ako nung sakit pero hindi mo naman ginustong saktan ako." umiling-iling lang ako kaya hinawakan niya ang balikat ko.

"I know you are happy with him, Eniki. Sapat na yun sa akin kahit masakit na makitang masaya ka sa kanya. Hindi ko pa nakitang kumislap ang mata mo ng ganoon kapag tayo ang magkasama"yumuko lang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan at nahihiya ako dahil may isang katulad nila ni Carlz na nagmamahal ng kagaya ko. Ano ba ako? Si Eniki lang naman ako.

"Madilim na"sabi niya at hinawakan ang braso ko.

"Tara na ihahatid na kita sa inyo."
Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang hilahin na ako paalis.

Habang nasa biyahi dun ko lang naramdaman ang pagod ko. Kaya pinikit ko nalang ang mata ko at hayaang lamunin ako ng antok.

Jacob's pov

Itinigil ko ang kotse sa harap ng malaking Gate ng Seliva's Empire. Hindi ko muna siya ginising at hinayaan siyang matulog muna.

Gusto kong hawakan ang mukha niya pero kapag naalala ko ang pag-iyak niya kanina nasasaktan ako. Masakit kasi alam kong Awa lang naman ang dahilan kaya siya umiiyak.

Tumunog naman ang phone niya kaya kinuha ko iyun sa bag niya at napangiti ako ng makita ang wallpaper niya. Family portrait ng Seliva at Lee.

Asawa kong bakulaw Calling...

Natawa ako sa pangalan ni Lee sa selpon ni Eniki tsaka ko iyon sinagot.

"Damn wife! Nasan ka ba? Wala ka sa Bahay niyo. Gabing-gabi na. Im so damn worried here" sabi ni Lee at naririnig ko ang mga buntong hininga niya.

"She's sleeping inside my car" sagot ko. Natahimik siya sa kabilang linya at narinig ko ang pagkabasag ng kung ano.

"I'll kill you Sebastiano. Where is my wife?"napangisi nalang ako sa sinabi niya.

"Easy lover boy. Wala pa akong ginagawa. We are outside and she's sleeping. Maybe a kiss can wake up this sleeping princess in my car"
Narinig ko ang kalabog at mga mura sa kabilang linya.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon