Eniki's pov
Pagkasara ng pinto ay natutop ko ang bibig ko sa nakita kong hitsura ni Ranz.
Andaming nakadikit sa katawan niya at may mga sugat siya.
Nanginginig ang mga kamay ko pero inabot ko pa din ang kamay niya.
"P-ploranzio... A-anong ginawa mo?"naibulong ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya nayakap ko siya.
"Ranz sorry...Sorry kung iniwan kita na hindi man lang ako nakapagpaalam! Ranz... Bakit nangyari to sayo? Pati katawan mo nangangayayat din.. Ranz anong nangyari?"sinasabi ko yan sa may tenga niya. Panay ang hikbi ko at para akong batang nagsusumbong sa tatay niya.
"Ranz gumising ka na"bulong ko.
Hinalikan ko ang noo niya na may bandage at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
Mahal kita..
Bulong ng utak ko...
"Gumising ka na Ploranzio ah.. Baka gusto mo maging sleeping beast a.k.a Bakulaw di bagay sayo yun"sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Babalik ako pangako kahit araw araw tatakas ako makita at maalagaan lang kita"sabi ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at si Kuya lang pala.
"Kz is coming bunso tara na"
Inayos ko ang mask ko at tumayo. Lalabas na sana ako ng biglang nasa harap ko si Kz mataman niya akong tiningnan kaya napalunok ako.
"Is my brother ok?"tanong niya. Tumango naman ako.
Nilagay niya naman ang tasa ng kape sa lamesa malapit sa bed ni Ranz at nilingon ako.
"You seem familiar"sa sinabi niya ay lumakas ang tibok ng puso ko. Paano kong malaman niya!
"Oh well that weird girl"sabi niya.
"Naalala ko na naman yung stupid wife ni Kuya tsk"napatingin ako sa kanya bago ako nagmadaling lumabas ng kwarto.
miss ma din Kita Kz..
habang nasa byahi pauwi ay hindi maalis sa isip ko ang itsura ni Ranz habang nakahiga sa kamang yun. Yung mga aparatus na nakadikit sa katawan niya at ang mga galos niya sa katawan.
"I know your worried.. Pero alam mong ikakapahamak mo ang pag-alis sa bahay Bunso.."napatingin ako sa labas ng bintana.
"Asawa niya pa din ako kuya kailangan niya ako.. Lalo na sa panahong ganito"sagot ko at pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.
"pero... Magagalit si Lolo"sabi ni Kuya.
Hindi ako umimik hanggang sa makarating kami sa bahay.
Dinig na dinig naman namin ang mga sigaw ni Lolo habang papasok ako sa loob.
"Hinayaan niyo siyang makalabas! ano pang mga silbi niyo! Mga inutil kayo! Hanapin niyo siya!!"sa pagkakasabi ni Lolo nun alam kong ako ang hinahanap niya.
"Pero nasa loob lang siya ng kwarto niya"boses ni Mama yun.
"Bunso sa kabila ka dumaan"tumango ako at sinunod ang sinabi ni Kuya.
Dumadagundong sa malaking bahay nato ang galit na boses ni Lolo.
"Tumahimik ka! Wala kang silbi! Palamunin ka lang sa bahay nato!"sigaw ni Lolo.
"Sumusubra ka na!"nagulat ako ng may sumigaw ng ganun kaya agad akong tumakbo papalapit doon.
"Ano Cross! May ibubuga ka na! Kaya mo ma ba ako?! Huh?! Ano?!"
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!