9

3.6K 104 2
                                    


Eniki's pov

Jusko po!

"Tulog na" sabi niya at tumalikod ng higa sa akin. Hinawakan ko ang mukha ko at umiling.

Wala lang yun.

Naglagay ako ng unan sa gitna namin tsaka ako humiga at tumalikod sa kanya.

Makakatulog kaya ako nito?

Sana lang talaga!

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko natatakot akong matulog.

"Hoy"

Ano ba?! Wala pa akong tulog bwesit naman oh!

"Hoy pangit"

Zzzzzz

"Tumayo ka na" tumayo ako at kinusot ang mata.

Pagbuka ko.

0.0

"Ahhhh!!! Ba't tayo magkatabi ah!"tinulak ko siya ng malakas pero nakalimutan ko na matigas pa pala 'to sa bato.

"Stupid" tumayo na siya sa kama pero ako para paring baliw na sumisigaw.

"Uwaah! Manyak ka talaga!"

"Baliw ka ba? Pagkagising mo sino ba nakayakap?"

Ahh.

Teka nga.

Tama nakakahiya talaga.

Ako pala yung nakayakap sa kanya.

"Oh ano sinong manyak?"

Ngumisi ako kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

"Ikaw"

Tumayo ako sa kama at pumasok sa banyo.

"Hoy pangit ako mauna"
"Bahala ka jan!" Sigaw ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ako at nginitian siya ng mapang-asar.

"What?"taas kilay niyang tanong.
"Ngumiti lang yung tao nagreact ka na?"
"Tss wala kasi akong tiwala sa mukha mong yan"

-___-

Bakit ko ba pinakasalan ang bakulaw nato?

Pumasok na siya sa C.R bago ko pa siya mapatay.

Kay agang mambwesit.

Kainis.

Napatingin lang ako sa gamit na nasa kwartong ito. puros bago para bang kaggagawa lang ng bahay na'to.

"Magligpit ka na ng mga gamit" sinunod ko nalang siya.
"San ba tayo pupunta?"
"Somewhere"
"San nga?"
"Psh ang kulit"

"Baka san mo ko dadalhin huh! Papatayin talaga kita!"
"Sa puso mo dun tayo pupunta"
"Gag*"

Tas lumabas siya ng bahay kaya sumunod na ako sa kanya dala ang bag ko.

"Ranz san ba tayo pupunta kasi? Sa bahay niyo?"

"No.. Mom told me to do this" kumunot naman ang noo ko.

"Ano yun?"

"Alam mo ba kung ano ang unang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng kasal?"

"Honeymoon" direktang sagot ko dahilan para magsmirk siya.

0.0

Ano?!

"Huwag mo sabihing gagawin mo yun?!" Sigaw ko.

"Tss"
Hala! Hindi pa ako handa! Ayoko pang maging Mama pero ang cute siguro ng lahi mi
Pagdating namin sa parking area ay may sumalubong sa aming lalaki
"Mr. Min pakihatid nalang to sa bahay ko"
"Masusunod po Master"
Ang sosyal may utusan.
Nasaan ba kami?

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon