Eniki's pov
"Im sorry"sabi ni Ranz nung kami nalang dalawa.
"Ok lang ano ka ba! Wala ka namang kasalanan"yumuko naman siya.
"Its-"pinatigil ko siya.
"Wala kang kasalanan"ulit ko at ngumiti.
"It is my fault. Iniwan kita-"
"Iniwan mo ko kasi kailangan ka ni Trisha"
"You need me too-"
"Pero mas kailangan ka niya"patuloy ko.
"Ranz.. ok lang naman ako eh"sabi ko.
May kumatok naman sa pinto at iniluwa nito si Mhiane.
"Can I talk to you Ranz"sabi niya.
Tumango naman si Ranz at tumingin sakin.
"I will be back"sabi niya.
Tumango ako at napabuntong hininga nalang.
Nang lumabas na silang dalawa ay umupo ako sa kama at napatingin sa labas.
Lumapit ako sa may pinto at may narinig akong nag-uusap. Napatigil ako sa paglalakad papunta sana sa mga prutas.
"Trish need you the most Ranz"sabi ni Mhiane.
"Eniki is my wife Mhiane and I am not committed to Trisha anymore"rinig kong sagot ni Ranz.
"Pero Ranz! You love her! I know you do! Kasal lang kayo sa papel ni Eniki! hindi mo siya asawa totally"naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko sa narinig.
Totoo yun sa papel lang niya ako asawa. Ang sakit pa din palang isipin na hanggang doon lang ako sa kanya.
Umaasa ako. Umaasa akong sana higit pa sa papel na yun ang lahat."Trisha needs you Ranz.. She's staying her for good for you! She even sacrifice her future in Paris for you" napayuko ako.
Bakit mo ba sila pinakikinggan? Tanga ka talaga!
"Hindi mo na ba siya mahal?"
Sa tanong na yun napako ang mga paa ko para akong naghihintay ng hatol sa nagawa kong mali.
"I love her"sagot ni Ranz.
Ngumiti ako. Ano namang aasahan kong isasagot niya? Na hindi niya na mahal si Trisha?
Halata naman eh.
Ako lang ang panggulo sa relasyon nila.
Nasa akin ang desisyun at ang desisyung to ang babago ng buhay ko.
Bibitaw na ako..
Mhiane's pov
"Your making it so hard for my Friend babe"
I was shocked ng may nagsalita sa likod ko. Humarap ako sa kanya at inirapan siya.
"What are you talking about?!"pasinghal kong tanong sa kanya.
"Bakit mo tinutulak si Ranz kay Trisha?"tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Because they love each other Dog"madiin kong sabi.
"How sure you are that Ranz is still inlove with Trish?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit ba siya nakikialam. I'm doing this for them. Tama namann ako di ba? Pinakasalan lang nila ang isa't-isa para kay Lolo Russel.
"Because I know!"sigaw ko.
"Try to look at Ranz when he's with Eniki and compare it when he's with Trisha"sabi niya at kumindat.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Teen FictionIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!