Eniki's pov
"Hi" hindi ako nakaimik ng makita siya sa harap ng pintuan namin.
"P-pasok ka"sabi ko.
Umatras ako bahagya at di naman siya nagdalawang isip na pumasok na.
"Where's Ranz?"cold niyang tanong.
"N-nasa school na"sagot ko.
Tumingin naman siya sakin mula ulo hanggang paa. Sinusuri niya ba ang katawan ko?"You don't deserve him" napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.
Nakikita ko ang suklam niya sakin. Hindi ko naman siya masisisi kong naratamdaman niya iyon sa akin.
"Why you? Inakit mo ba siya para pakasalan ka niya? O baka naman pinikot mo siya-"
*pak!*
Sinampal ko siya ng malakas.
Napika ako eh.
"Masakit ba?"tanong ko.
"Nanghuhusga ka ng tao! Bakit ginusto ko ba to! Ginusto ba namin to!"
"I love Ranz! You! You marry him for what?! I don't think he loves you! Just let him go! Mahal namin ang isa't isa!"
Napakurap ako sa sinabi niya.
Oo na! Ikaw na mahal! Ikaw na! Iyong iyo na!
"Sa lahat ng babae?! Ikaw pa?? A woman like you!" Sobrang pang iinsulto na yun.
"naiintindihan kong galit ka kasi pinakasalan niya ako pero wala siyang choice! Hindi namin pinili ang isa't isa! Hindi namin parehong ginusto ito"sabi ko.
"Umalis ka nalang! Umalis ka nalang habang maaga pa baka pag pinatagal mo pa ni singcong duling wala kang madala"sabi niya.
Umangat ang kilay ko. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng 'to.
"Hindi pera ang habol ko! Saksak mo yan sa balunbalonan mo! Hindi ko hinangad maging mayaman gusto ko lang mapasaya ang isang tao!"inis na sigaw ko para pumasok sa utak niya.
"Ano bang pinanghahawakan mo? Ako ang mahal niya! Hawak ko puso niya! Ikaw ano papel? Sa papel ka lang asawa! Hawak ko ang puso niya"
Oo na! Paulit ulit!ikaw na mahal!!!
"Sayong sayo siya.. di ko siya inaagaw sayo.. Ikaw na nga may sabi di ba? hawak mo puso niya. Ano pa ba ikinagagalit mo?"tanong ko.
Napatigil naman siya at tumingin sakin.
"You! Get out! Inaaway mo si mama!!!! Isusumbong kita kay Papa!"nabigla ako ng dumating si Shinzhel at galit na galit.
"Di pa tayo tapos"sabi niya at umalis.
Yumuko ako at yinakap si Shinzhel ng mahigpit para di niya makita ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
Pagkatapos ng nangyari ay pumasok na ako.
Habang papunta ako sa School ay nakatulala lang ako at nakatingin sa baba.
Pakiramdam ko ang sakit ng may dibdib ko parang pinipiga at paulit ulit na nagrerewind yung mga sinabi nung bruha kanina.
"Eniki?"napaangat ako ng tingin at nakita ko si Carlz na nakatayo sa harap ko.
"May problema ba?"bigla nalang pakiramdam ko gusto ko umiyak. Gusto ko magwala! Magsisigaw!
Niyakap ko nalang si Carlz at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak.
"Ngayon lang Carlz please"sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Multimillionaire
Ficção AdolescenteIto na! ito na nga talaga! may ending na talaga to!!!