41

2.8K 74 0
                                    

Eniki's pov

"Miss Yanna"tawag ni Nady ng pumasok siya sa kwarto ko. Kasama niya naman si Dethan.

"Miss Yanna tama na po yan"sabi ni Nady sakin. Walang humpay kasi ang pagtulo ng luha ko.

Pinapanoud ko lang sina Mama sa labas. Kanina pa sila jan naghihintay na lumabas ako.

Gabi na pero wala pa ding sumusuko sa kanila. Kanina pa nila isinisigaw ang panagalan ko at kanina ko pa sila pinagmamasdan.

"Yanna! Patahimikin mo sila.. Kung ayaw mong ako ang gumawa sa paraang hindi mo gusto!"napatingin lang ako kay Lolo hindi ako umimik ni tumango.

Naawa na ako kina Mama sa labas pero wala akong magawa kundi ang sundin ang gusto ni Lolo di bali na ako naman ang maghirap at masaktan hindi lang sila. 

Tumayo ako at bumaba para puntahan sila. Agad naman nila akong sinalubong sa gate pero hanggang don nalang sila at hanggang doon nalang din ako.

"Yanna bakit mo to ginagawa?!"sabi ni Kuya Xam.

"Kuya kung di ko to gagawin paano kayo?"sabi ko hinawakan naman ni Mama ang kamay ko.

"Anak... huwag mong gawin to... Wag anak.... di bale nang masaktan ako ng paulit-ulit wag lang kayo.. Mahal na mahal ko kayo.."sabi ni Mama.

"Ma... umalis na kayo... Mapapahamak lang kayo sa ginagawa niyo... Pangako ma magkakasama tayo ulit yung masayang masaya tayo.. Sa ngayon ang gusto ko mamuhay kayo sa paraang gusto niyo malayo dito.. Malayo sa hawlang to"

"Paano ka?! Di namin kaya-"pinatigil ko si Kuya Jershin.

"Kaya ko to Kuya.. Basta ipangako niyo sa akin... Sundin niyo lahat ng sinabi ko.. Sige na umalis na kayo.. Pangako magkikita pa tayong muli"sabi ko at niyakap sila.

Hinila naman ako ni Rudulpo at isinara ang gate. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at humikbi.

Carlz pov

"Ako na magbabantay ngayon"sabi ko kay Kz.

Tumango naman siya at agad ibinaling ang tingin sa celphone na hawak niya.

"Princess is found? Seliva's long lost Heir" napatingin ako sa sinabi niya.

Seliva's Princess ibig sabihin si Elliana? Pero patay na siya hindi ba? Matagal na.

"They found a girl living in the Seliva's empire.."sabi ni Kz at tumingin sakin.

"Who is she Kuya? Sino yung Princess na sinasabi nila?"tanong niya.

"She is Princess Elliana Seliva.. Kakambal ni Shin Cross"

"I heard she's dead"sabi niya.

"She is dead"sabi ko naman.

"Well pwede din namang magkamali ang article na'to. Imposible namang hindi siya ipakilala sa mundo.."sabi ni Kz at tumayo.

"Im going home Kuya"sabi niya na tinanguan ko lang.

"Samahan na kita sa baba may bibilhin lang ako saglit"tumango naman siya.

Eniki's pov

"Mam Yanna mag-iingat po kayo. Wag lang po kayong magtatagal baka mahuli tayo ng lolo mo"tumango ako at yinakap si Mang Dado.

Nakasunod naman si Dethan sakin. Hindi alam ni Lolo na tinutulungan ako ni Dethan at ni Mang Dado na siya na mang head ng security ng bahay.

Pagkasakay namin ni Dethan sa kotse niya ay agad niya itong pinaandar.

"Salamat Dethan"sabi ko.

"Ginagawa ko lang po ang tama"sagot niya.

Pagkababa ko sa kotse ay agad kong inayos ang hood ng jacket ko at isinuot ang facemask. Nasa likod ko naman si Dethan.

Ang Asawa Kong MultimillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon