//Flashback//
General POV
Kasalukuyang nakahiga sa kanyang malawak na....... papag ang pinakamaganda daw sa kanilang baranggay at ang pinakadyosa sa lahat daw ng dyosa... sabi niya.
"Uso pa ba ang harana,
Marahil ikaw ay nagtataka..
Sino ba tong mukhang gaga
Nagkakandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba.."Napabalikwas nang tayo si Vice nang marinig ang tila napakagandang boses na nagmumula sa baba..
Dumungaw siya sa may bintana at tila umasim ang mukha sa nakita..
"What the.." pabulong na sabi ni Vice sa sarili nang makita kung sino ang tila nanghaharana sa kanya.... si Karylle ang 'masugid' niyang manliligaw, okay na daw sana kung lalaki ang kaso babae.
Lumaki ang ngiti ni Karylle ng makita niya si Vice na papalapit sa kanya.
Simula kasi ng makita niya ang binata(?) ay parang tinamaan na agad siya roon.. Love at first sight kung baga, wala siyang pakialam kung bakla ang gusto niya at siya ang nanghaharana dito.
"Good Evening, Vice.." tila nahihiyang bati ni Karylle nang tuluyang makalapit sa kanya si Vice..
"Pwede ba Karel.. Stop courting me.." pabaklang sabi ni Vice na mali pa ang pagkakabigkas ng pangalan ng dalaga.
"Vice, Karylle hindi Karel" nakangiting sabi ni Karylle kahit ang totoo ay nasasaktan na siya.
"I don't care if it's Karylle or what so ever.. Just stop doing that, pinapahiya mo lang sarili mo. Bulag ka na ba? Hindi mo ba nakikitang bakla ako? Kung hindi.. Karylle! BAKLA AKO AT WALA AKONG PLANONG MAGJOWA NG MERLAT.. Okay na? Sana naman narinig mo.. Sinisira mo lang gabi ko eh." sabi ni Vice na tumalikod na para makabalik sa bahay.
Naiwan naman si Karylle na parang may libo-libong karayom at pako yata ang tumutusok sa kanya ngayon dahil sinusuntok na siya ng katotohanan na walang pag-asang maging sila.
Wala na siyang nagawa kundi umuwi na sobrang lungkot dahil wala na, basted na siya.
Kinabukasan..
"Braaaaaaddd!!" pambubulabog ni Vhong kay Vice na nakahilata parin sa kanyang malawak na papag.
"Braaaaad!" tuloy parin sa pagyugyog ni Vhong para magising na si Vice.
Agad namang naalimpungatan si Vice dahil sa pagyugyog na ginagawa ni Vhong.
"Ano ba YAYA?! 5 minutes okay?" bulyaw at pabaklang sabi ni Vice na parang ang yaman yaman niya..
"Brad! Hindi ako yaya noh! Gumising ka na dyan! Mawawalan tayo nang pwesto sa palengke!" sabi ni Vhong na nakapamewang pa.
Dumilat naman na si Vice at tumingin na kay Vhong.
"Eto na nga oh, gising na ko. Hala sige! Tsupee na!" pagpapalayas ni Vice sa kaibigan.
"Dalian mo Viceral ah! Kung ayaw mong mawalan tayo ng pwesto sa palengke!" pagpapaalala niya bago tuluyang bumaba.
Katulad ng sabi ng kaibigan, tumayo na siya at ginawa ang kanyang morning routines.
Nagbihis siya ng short shorts at white t-shirt na may tatay na 'Gay.. OK?'...
Naabutan naman niyang naghihintay sa baba si Vhong.
"Tara na Navarro!" sabi niya sabay tapik sa balikat ng kaibigan.